Nineteen

80 14 44
                                    

Napaunat ako matapos isalansan ang mga test papers na binigay sa 'kin ni Sir Susano. Ito 'yung mga long test na tinake namin last week, at nakakagulat na sa akin n'ya pinaayos mula highest to lowest ang mga papel.

Speaking of highest to lowest, hindi na 'ko nagulat na naka-perfect 30 ang papel ko. Mas lalo namang hindi ako nagulat nang makita na lowest ang score ni Milca, which is 10.

"O, binilhan kita ng sterilize milk pang-pawala ng pagod." Tumaas ang tingin ko sa kan'ya nang makita ang inaabot sa akin.

"Bakit ba palagi mo 'kong binibigyan ng pagkain? May pambili ako." Tugon ko at binalik na sa folder ang mga test paper.

Umupo naman ito sa tabi ko habang nakangiti, "Ito nalang kasi 'yung magagawa ko bilang kaibigan sa 'yo," huminto ako sa ginagawa, "I-I mean, kaibigan kita kahit hindi 'yun ang tingin mo sa 'kin."

Minsan gusto ko nalang talaga isipin na magka-dugo 'tong si Milca at Vale.

"Alam mo na... nawalan ako ng mga kaibigan. Okay naman tayo ng mga kaklase natin pero iba pa rin kapag kaibigan 'yung turing sa 'yo-- tunay na kaibigan." Sambit n'ya pa.

Umayos ako ng upo at walang emosyon ko siyang tinignan, nakangiti pa rin siya sa 'kin. "Hindi nga kita kaibigan e, tunay pa?"

Nakita ko na nakagat niya ang ibabang labi niya habang pilit na ngumingiti. Naging malikot din ang mata niya. Pero sa huli, bumuntong hininga 'to at napayuko. "Wala na yatang tuturing sa 'kin bilang tunay na kaibigan. Samantalang wala naman akong tinatapakang tao."

Naikot ko ang mata ko sa kan'ya. She's such a drama queen.

"Pe-Pero ayos lang. Kaibigan pa rin ang tingin ko sa 'yo kahit na ayaw mo sa 'kin. Naniniwala ako na magiging matalik---"

Agad ko siyang pinutol at tumayo, "Cut it out," Nagulat siya nang kunin ko sa kamay n'ya ang sterilize milk na binibigay n'ya sa akin kanina. "I hate dramas, so if you want to keep clinging, then quit saying that."

Bahagyang bumuka ang bibig n'ya pero hindi rin nagtagal ay lumabas ang matamis na ngiti nito. Tumango ito sa 'kin na parang bata.

Oh, well, pupunta nalang ako sa faculty para mabigay na 'to sa Professor namin.

Nagsimula na akong maglakad at naramdaman ko naman na sumunod na rin sa 'kin si Milca. Pero bago pa kami makarating ng building ay may nakita kaming nagkukumpulan na estudyante 'di kalayuan sa amin.

"Oh my god. Ipagtanggol mo si Hershey! Kaibigan natin siya!"

"Gu-Gusto ko pero nakakatakot ang grupo nila Janna lalo at nandiyan si Victor!"

"Hala... Hershey..."

Napatingin ako sa dalawang babae na katabi ko. Kitang-kita sa mukha nila ang takot dahil sa nangyayari kay... wait, Hershey?

Lumipat ang tingin ko sa gitna at nakitang nakaupo na sa sahig ang pinsan ko habang nasa harapan niya ang isang lalaki at tatlong babae na pinagtatawanan siya.

It reminds me the old friends of Milca...

Umupo at pinantayan ng tingin ng lalaki si Hershey, napakamot pa ito sa ulo. "Man, what a waste," Anito habang ngumunguya ng bubblegum. "Oy, next time mag-ingat ka sa paglalakad ah? Tinapon mo 'yung kape ko."

Doon ko lang napansin na may dungis ang t-shirt ng lalaki. Malamang ay 'yung kape na tinutukoy n'ya.

"Pinsan mo 'yon, 'di ba? Puntahan mo." Bulong sa akin ni Milca pero tinignan ko lang siya ng nagtataka.

You TooWhere stories live. Discover now