Sixteen

98 16 55
                                    

Naging mabilis ang takbo ng araw at dumating na nga ang midterm exam na hinihintay ko. Mamaya lang ay magta-take na kami, kaya naman napag-isip isip ko na i-refresh ang mga nireview ko since day 1. Alam ko na para sa inyo, araw-araw ako nagrereview, but the thing is... I don't repeat the discussions I review. In other words, kapag pinag-aralan ang Sociology ngayon, iyon lang ang dapat ko i-review sa subject na 'yon. Bukas, kung ano ang diniscuss, 'yun ang ire-review ko.

Kung 'di niyo gets, hindi ko na 'yon problema.

Pumasok ako ng library dala ang mga notes ko at kinuha ang mga libro na related sa exam ngayong araw. Maganda nang siksik ang alam, kaysa naman mangamote.

Pero pagdating ko sa paborito kong lugar dito sa library... may hindi ako inaasahang nakita.

Well, library 'to ng lahat pero sa halos araw-araw kong nandito e, ngayon ko lang nakita si Hershey at nasa paborito ko pang upuan.

Not just that, kasama niya pa si Vale at mukhang may pinag-uusapan sila.

Nang mamataan ako ni Vale, kumaway ito at tinawag ako na lumapit. "Paige!"

Napabuga nalang ako sa hangin. Mag-aaral ako nang nandiyan sila?

"A-Ate Paige?" Gulat na tanong ni Hershey. Siguro nagtataka siya dahil magkakilala pala kami ni Vale.

Lumapit ako at umupo pero may dalawang upuan ang espasyo ng layo. Pakiramdam ko kasi, hindi ako makakapag-review ng maayos kung magke-kwentuhan lang sila gaya ng naabutan ko.

"Ate Paige? You know her? Are you sisters?" Vale asked in confused.

"Hindi. Pinsan ko siya,"

"Ohh,"

Pagbuklat ko ng mga notes ko, tinignan ko sila ng walang emosyon. Gusto ko kasing iparating sa kanila na hindi ako matutuwa kapag nag-ingay sila sa tabi ko. Vale must know that.

"I'm going to study, so please keep quiet." Saad ko sa kanila.

"Oo nga pala, matalino ka sa math 'di ba? Turuan mo si Hershey kasi may exam sila mamaya. Tinatamad kasi ako," Bulalas ni Vale sabay taas ng dalawang paa sa katabing upuan.

Nakangiting humarap naman sa akin si Hershey, "Mm! Sana pala kagabi pa ako nagpaturo sa 'yo, Ate. Pero... okay lang ba?"

Bago pa ako makasagot ay dumating na si Milca at umupo sa harapan ko. "Sabi ko na nandito ka na, tara sabay na tayo magrev---" hanggang sa na-realize niyang hindi lang kami ni Vale ang nandito sa table.

"Uhh..."

"Hi! I'm Hershey Bacani, 1st year from B-Tourism Management. Pleasure to meet you!" Sabay abot ng kamay kay Milca. Tinanggap naman niya 'yun at bumati rin.

Kinamot ko ang leeg ko at lumingon sa ibang direksyon. Dalawang oras nalang at marami pa akong babasahin tapos mukhang mauudlot pa. Dahil do'n, ginala ko ang paningin ko. Marami na ring estudyante ang mga nasa table at nag-aaral. Mukhang hindi na 'ko makakalipat.

"Paige, turuan mo na siya." Rinig kong salita ni Vale.

Bigla akong nainis kaya naman tinignan ko siya ng matalim. "Stop commanding me," malamig na tugon ko rito.

Umayos siya ng upo at mataman ako tinignan sa mata. "I'm not. I'm just trying to help her,"

"Then tutor her,"

"I'm damn lazy to do that. I just want to sit around and watch you." Saka n'ya tinaas ang dalawang braso at ginawa 'yung unan sa ulo.

Napakagat ako sa ibabang labi. Bastard, ano nalang iisipin ng mga 'to sa sinasabi n'ya?!

You TooWhere stories live. Discover now