Chapter 2

15.6K 58 1
                                    

Pagmulat ng mga mata ni Sanya ay si Chilson agad ang hinanap ng mga to. Wala siyang katabi sa kama at madilim narin sa labas.

"Shocks napahaba ata ang tulog ko" sinapo nito ang noo dahil nakaramdam siya ng hilo. At bumaliktad na ang sikmura niya kaya nag madali siyang tumungo sa banyo upang sumuka. Parang mapipiga na ang sikmura niya dahil panay tubig na lamang ang sinusuka niya. Naramdaman niyang may humahagod sa likuran niya. Kaya napanatag na kahit papano ang kalooban niya. Pag katapos sumuka ay nag mumog na siya't nag hilamos.

"Here drink this" inabot niya ang inaalok na tubig ng asawa at inisang lagok. Uhaw na uhaw ang pakiramdam niya. Nanlalanta pa ang katawan niya. Inalalayan siya ni Chilson patungo sa dining area at ipinag hila ng mauupuan. Mag katapat sila sa lamesa. Tinignan siya ni Chilson ng may pag aalala sa mukha. Mukhang nababasa na niya ang iniisip nito.

"Mahal I'm ok. Parte lang to ng pag bubuntis" paninigurado niya. Hinawakan naman ni Chilson ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at bahagya itong pinisil. "Hindi ko maiwasang mag alala because I brought this upon you mahal. If only I could do something to somehow make you feel better" naiiyak nanaman siya sa tinuran ng asawa.

What did I do to deserve a man like him.

Sabi nito sa isip. Napangiti siya ng matamis at ngumisi. "Feed me and our baby. Gutom na kami eh" she said and pouted her lips. Muling sumigla ang itsura ng asawa at inilapit pa nito ang upuan sa tabi niya. "Ano bang gusto niyo ni baby?" he asked. Napahawak naman siya sa baba niya at nag iisip. Madami kasing potahe ang nasa harapan niya ngayon. Mostly ay seafoods. At pasalamat naman siya because it seems that the baby inside her wants seafoods too!

"Our baby wants that crab at ako naman I want that shrimp" aniya habang tinuturo ang mga pag kain na naka hain sa lamesa "Copy!" masayang saad ni Chilson at umalis muna saglit para mag hugas ng kamay. Pag balik nito ay masaya niyang ipinag himay ang mag ina niya. Tapos susubuan niya pa ang asawa.

"After this mahal mag hotspring tayo, meron kasi jan sa baba" Chilson said.

"Sabi ni baby kumain ka na din daw papa para magka laman yang tiyan mo. Kami lang pinapakain mo eh" sumimangot pa si Sanya. Natawa naman si Chilson at tumango. Tapos ay binalingan nito ang maliit na tiyan ni Sanya. "Opo baby basta wag mo masyadong pahirapan si mama ok?" nakaramdam naman si Sanya na parang may gumalaw sa sinapupunan niya. Kunsabagay 3 months na kasi ito pero hindi halata dahil ang liit ng tiyan niya parang di siya buntis. Nagugulat nga ang iba kapag sinasabi nilang buntis siya dahil pumapayat daw si Sanya pero pakiramdam niya tumataba siya.

Laking pasasalamat ni Sanya sa boss nilang babae na matanda na dahil siya ang nanglibre ng trip to japan nila. Inayawan pa nga ni Chilson pero sabi ng boss nila na regalo na daw niya iyon sa magiging inaanak niya. Hindi naman nito ikinaltas sa separation fee ni Sanya. Talagang bukal sa loob nito ang pag tulong. Matandang dalaga kasi ang boss nila kaya walang mga anak at asawa. Hindi na daw kasi nito naasikaso dahil sa sobrang pag katutok sa negosyo. Isang araw heto at matanda na siya at walang pamilya. Isang factory ng furnitures ang negosyo ng matanda ngunit hindi ganon kakilala pero malaki naman ang kinikita. Kundi siguro sila binigyan ng regalo na ganito siguro nasa pilipinas lang sila ngayon at nasa kung san mang beach resort nila icecelebrate ang kanilang honeymoon.

Kaya masaya na si Sanya kahit ganito ang buhay nila atleast naranasan niyang magkaron ng asawa at mag kakaron pa ng anak. Dahil ang nag iisa sa buhay at walang sinasandalan ay malungkot iyon. Hindi niya nga alam kung papanong natiis yon ng matanda.

Nang matapos kumain ay nag shower muna si Sanya dahil hindi padin ito nakakapag palit pag katapos ay nag suot lamang siya ng simpleng pj's atsaka sila bumaba upang maligo sa hot spring. Mag kahiwalay ang babae at lalake. Ayaw na sana ni Chilson pero sabi ni Sanya gusto niya daw matry kaya nag set sila oras kung anong oras sila aalis. 30 minutes lang daw sabi ni Chilson dahil baka malamigan ang baby sa sinapupunan ni Sanya.

Tikim [R-18] (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon