Chapter 6

5.9K 24 0
                                    

Tahimik na pinag mamasdan ni Sanya ang kanyang anak habang nakaupo sa kahoy na sofa. Nakatulog si Melody pagkatapos nilang mag gabihan. Madali lang makatulog ang kanyang anak, sa totoo nga niyan panay tulog ang ginagawa nito kapag hindi siya nilalaro ng kanyang lola. Mahina rin ito sa pagkain kaya't binabawi nalang ni Sanya sa pag papadede.

Dumating si Marites sa sala, nadatnan niya ang tanawin ng mag ina. Alam niyang pagod nadin si Sanya kaya't nilapitan niya ang mag ina para kuhanin ang apo.

"Asus tulog na ang prinsesa" pagboboses bata nito, pinisil niya ng mahina ang tungki ng ilong ng apo. "Sana mamana mo ang matangos na ilong ng iyong ina Melody" malambing niyang hinaplos haplos ang buhok ng apo.

Naging mahinahon ang kalooban ni Sanya habang pinag mamasdan ang mag lola, nabanggit pa siya ng ginang kaya lihim siyang napangiti.

Nabaling ang atensyon ni Marites kay Sanya, na kasalukuyan silang pinapanood. "Sanya magpahinga kana sakin muna matutulog si Mel"

"Sige po ma"

Ang sarap sa pakiramdam na matawag niya ang kanyang biyenan na mama o nanay sa ganitong paraan pakiramdam niya ay parte na siya ng pamilya nila.

Maingat niyang inilipat ang anak sa mga bisig ng biyenan. Ganon din ang ginawa ni Marites maingat niyang kinuha ang apo at niyakap. Tapos hinalikan niya pa ito sa noo.

Tumango lang si Marites kay Sanya at umalis na. Kagat labi si Sanya habang nakatingin sa maglola, gusto niya sanang makatabi ang anak pero ayaw niya namang sirain ang moment kaya nag paubaya na siya. Dibale ngayong gabi lang naman. Kapag nauunang matulog si Mel ay sa kwarto siya ng lola natutulog pero kapag nag hahanap ito ng mama sa silid nila ni Chilson natutulog ang anak.

Pumunta nadin si Sanya sa kwarto nila para kuhanin ang tuwalya at damit niya dahil mag sa-shower siya. Hindi niya kasi matiis matulog ng malagkit at isa pa nakakahiya naman sa asawa niya. Si Chilson naligo tapos siya hindi. Kaya naligo na siya pero hindi niya binasa ang ulo. Pagkatapos sinampay niya muna ang tuwalya sa labas bago magtungo sa kanilang silid.

Mamaya pa papasok si Chilson dahil nag lilinis pa yon sa kusina kaya nag basa muna siya ng pocket book. Hindi niya namalayan nakatulog na pala siya. Naalimpungatan siya ng may maramdamang mainit na hininga sa kanyang leeg.

"Hmm" ungol niya, umayos siya ng pagkakahiga para harapin ang asawa tapos hinaplos niya ang mukha nito. Nakapikit parin siya dahil sa antok.

"Sorry mahal nagising kita" mahina at malambing na bulong ng asawa. Wala sa sariling ngumiti si Sanya habang nakapikit padin.

Nag iinit ang katawan ni Chilson kahit pa naligo siya ng malamig. Matagal tagal din niyang hindi natikman ang asawa dahil sa panganganak nito ngunit ngayon pwede na siguro. Nakarecover na siguro ang katawan ng asawa.

Maingat niyang iginapang ang kamay sa ilalim ng suot na bestida ng asawa. "Chilson" inaantok na sabi ni Sanya.

May trabaho pa sila bukas, yan ang naiisip ni Chilson. Titigil na sana siya sa gagawin pero may isa pa siyang naisip. Mas masarap ang tulog pagkatapos mag romansa.

Kaya pinagpatuloy niya na ang pag himas sa hita ng asawa paakyat sa mga dibdib nito. Hindi kasi nag susuot ng bra si Sanya kapag natutulog. Mas komportable daw iyon para makahinga siya ng maayos at isa pa mas lalong lumaki ang mga dibdib niya dahil sa gatas.

"Hmm" ungol ng asawa.

Pinaglaruan ni Chilson ang mga tuktok ni Sanya, kaya't naglalaban ang diwa ni Sanya, hindi niya alam kung gigising ba siya o magpapatuloy sa pag tulog. Sa ginagawa ni Chilson sigurado siyang may motibo ito. Sabik nadin siya sa piling ng asawa ngunit nahihiya siya dahil nasa poder sila ng biyenan. Ayaw niya itong dungisan.

Tikim [R-18] (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon