Chapter 1

26.7K 99 1
                                    

"Mabuhay ang bagong kasal"

Maligayang nag hihiyawan ang mga taong dumalo sa kasal para sa mag asawa nang sina Chilson at Sanya Hernandez. Mangiyak-iyak naman si Sanya dahil sa nag uumapaw na ligayang nadarama dahil sa wakas ay naikasal na siya sa kanyang pinakamamahal na si Chilson. Siya ang una at huli. Itinatak niya ito sa kanyang isipan. Si Chilson ang nakabingwit ng puso nito at siya ring nakakuha ng kanyang pagkabirhen. At ang magiging ama ng kanyang idinadalang bata sa kanyang sinapupunan. Wala na siyang ibang hihilingin pa dahil naibigay na sakanya ang lahat ng kanyang minimithi.

Tuluyan na ngang tumulo ang butil ng luha sa kanyang pisngi habang pinag mamasdan ang masasayang tao sa kanyang harapan. Mas lalo pa siyang naiyak ng makita nito ang kanyang tita na umiiyak na dahil sa labis na tuwa.

Ang kanyang tiya ang nagpalaki sakanya dahil ang ina nito ay maagang lumisan sa mundo habang ang ama naman nito ay kailanman di niya nakilala dahil hindi nito pinanagutan ang kanyang ina noong buntis pa lamang ito. Kahit na ganon lang ang ibinigay sa kanyang buhay noon ay hindi naman sumagi sa isipan nito ang mag tampo sa panginoon dahil hindi naman nag kulang sa pag mamahal at pag aaruga ang kanyang tiya sa kanya.

Silang dalawa lamang ang nag sasama sa buhay dahil nasa ibang bansa ang kanyang tiyo para arugain silang dalawa. Itinuring na siyang parang tunay nilang anak dahil hindi sila nabiyayaan na magkaron ng sariling anak. Kaya kahit na wala na ang kanyang totoong mga magulang ay parang di naman niya naramdaman na wala siya non dahil nga sa kanyang tiyo at tiya. Lubos ang pasasalamat niya sa dalawa dahil kundi dahil sakanila ay hindi siya makakapagtapos ng pag aaral at hindi siya mag kakaron ng masayang buhay.

"Wag kang umiyak Sanya masisira ang make up mo" bulong ng asawa nito sa kanyang tenga.

Nakaramdam siya ng kung ano sa kanyang tiyan sa tuwing maalala nitong mag asawa na silang dalawa. Pasimple niyang siniko si Chilson ng hindi ito binabalingan ng tingin. Narinig niya naman ang suwabe nitong pag tawa kaya't mas lalo pa siyang kinilig. Mas lalo pa siyang hinapit ni Chilson palapit sa katawan nito at ginawaran siya ng isang halik sa noo. Napapikit siya dahil don. Dumapo ang isa pang kamay ni Chilson sa ibabaw ng maliit pa nitong tiyan at muli siyang binulungan.

"I promise to take care of you at ang magiging baby natin..." muli siyang naging emosyonal dahil sa tinuran ng asawa. "I love you Sanya" giit pa ng asawa nito. Hindi na nito napigilan pa ang sarili na yakapin ang asawa at umiyak sa balikat nito. Wala na siyang pake kung mabura man ang make up niya. Niyakap din siya pabalik ni Chilson at hinimas himas ang likuran nito upang patahanin.

Kanya na si Chilson at kanya lang si Chilson. Sakanya lang ang asawa niya, ang magiging ama ng anak niya at ng magiging anak pa nila sa hinaharap. Ang lahat ng binabasbasan sa harapan ng Diyos ay siya ng mag sasama sa pang habang buhay. Bibigyan niya ng buong pamilya ang magiging mga anak nila. Sa sariling pamilya niya na lamang siya babawi. Dahil hindi niya ito naranasan at ayaw niyang maranasan pa ito ng bubuuin nilang pamilya.

"Shh tahan na. Di pa tayo nakaka pag picture taking... Diba pangarap mong magkaron ng perfect wedding? Pano yan perfect na sana pero pangit na ang itsura ng bride. Hagard na agad wala pang honeymoon" pang aalaska ng asawa niya kaya napabitaw ito sa pag yakap at sinamaan ng tingin si Chilson na nakangisi at inuuyam siya. Sumimangot siya at humalukipkip. Napaka bipolar talaga ng mga buntis. Naninibago padin siya sa mga pag babagong nangyayare sa katawan niya.

Simula ng mabuntis siya ay madami ng nag bago sa katawan niya pati na sa mood niya. Siguro dahil narin sa maselan siyang mag buntis. Sabi ng doctor sa kanila ay bawal raw siyang ma-stress o mapagod dahil mahina lang ang kapit ng bata kaya hindi na siya pinag trabaho ni Chilson. At talaga namang nakakainip yon lalo pa't nasanay siyang mag banat ng buto.

Tikim [R-18] (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon