Chapter 4

7.2K 54 0
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Sanya dahil sa sumasakit nitong likuran sa taas ng pwetan nito. Pati na ang kanyang puson ay kumikirot din. Ngunit nakikiramdam muna siya dahil ayaw niya namang makaabala sa asawa niya. Pero meron ding isang parte ng utak niya na gusto ng tawagan si Chilson dahil ninenerbyos na ito para sa baby nilang dalawa. Kung ano ano ng pumapasok sa isipan niya. Kesyo baka malaglagan siya ng baby o kaya naman bigla siyang mapaanak ng wala sa oras. Hindi niya kakayanin kung mangyare man iyon. Ikababaliw niya.

At dahil hindi na nito mapigilan ang sarili ay kinuha na niya ang cellphone niya at idinial ang numero ni Chilson ngunit napatigil ang daliri nito sa pag pindot ng call button. Kagat labi si Sanya habang pinag iisipan kung itutuloy ba niya ang gagawin. Napailing siya ng dalawang beses atsaka binura ang numero ni Chilson. Muli siyang nag dial ng panibagong numero atsaka niya ito tinawagan. Nag riring lamang sa kabilang linya kaya napatayo na siya at nag lakad lakad habang hinihimas ang likuran nito. Pinag papawisan nadin siya ng malamig at parang maduduwal pa siya.

Nakahinga na ng maluwag si Sanya ng sumagot na ang nasa kabilang linya.

"Oh anak napatawag ka?" tanong ng kanyang tiya sa magiliw na tono. Masaya ito dahil napatawag sakanya ang pamangken na hindi niya pa nayayakap sa ngayon dahil hindi pa sila nag kikitang dalawa. Ang huli nilang pag kikita ay nung araw pa ng kasal ilang araw na ang nakakalipas. Miss na miss na nito ang pamangken. Nangungulila parin siya para rito dahil hindi padin siya nasasanay na may asawa na ang nag iisang anak na itinuring niya.

Tipid na ngumiti si Sanya. Biglang nag init ang mga sulok ng mata niya dahil gaya ng tiya niya ay ganon din ang nararamdaman niya kahit na nag kakavideo call naman sila nung mga panahong nasa japan pa sila ng asawa. Humigpit ang pagkakahawak ni Sanya sa cellphone nito dahil bigla siyang namilipit sa sakit. Napapaungol nalang siya sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang puson. Gusto niya ng maiyak ng tuluyan. Napapapikit nalang siya sa sakit.

Narinig naman ito ng kanyang tiya sa kabilang linya kaya't hindi na ito mapakali at biglang natuliro. "Sanya anak anong nangyayare saiyo? Anak parang awa mo na sumagot ka kinakabahan nako" sinikap ni Sanya na sagutin ang nag aalalang tiya.

"Ma kanina pa kasi sumasakit yung likuran ko pati na ang puson ko ma ang sakit" naiyak nalang sa sakit si Sanya dahil hindi niya alam ang gagawin at binabalot na siya ng takot.

Pinilit naman ng kanyang tiya na maging mahinahon at nag isip ng mga dapat gawin "Chineck mo na ba ang panty mo? Tignan mo kung may spottings ka, magkita nalang tayo sa hospital tatawagan ko si Chilson" napakagat labi si Sanya dahil sa kirot at panay ang kanyang pag iling. Nakailang ulit na siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili.

"Ma wag na po nating istorbohin si Chilson, kita nalang po tayo sa hospital ma kaya ko po" narinig niya ang pag buntong hininga ng tiya ngunit hindi na ito umalma. "O sya wag mong puputulin ang tawag para alam ko ang mga nangyayare"

"Opo ma" gaya nga ng sabi ng tiya niya ay hindi nito pinutol ang tawag. Inilapag niya muna ang telepono sa lamesa atsaka siya kumilos. Nagtungo siya ng banyo at dahan dahan na ibinaba ang kanyang suot pang ibaba. Natutop ni Sanya ang kanyang bibig ng makakita ng dugo. Nag simulang manginig ang kalamnan niya at biglang nanlalabo ang kanyang paningin.

"Sanya lumaban ka para sa anak niyo lumaban ka" pagpapalakas loob nito sa sarili. Napahawak siya sa sink at pumikirit ng mariin "Enhale exhale" paulit ulit siyang huminga ng malalim at ng maramdaman na umayos na kahit papano ang kanyang nararamdaman ay muli siyang kumilos. Inayos niya ang lahat ng kakailanganin niya at nilagay sa kanyang sling bag. Akmang aalis na siya ng maalala ang kanyang phone sa ibabaw ng lamesa kaya muli niya itong binalikan.

"Ma meron nga po akong spottings paalis na po ako ng bahay"

"Jusko po, sige nak antayin nalang kita dito sa hospital, mag iingat ka"

Tikim [R-18] (ON GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon