Syco's POV
Tumalikod ako tsaka mabilis na tumakbo palayo sa mga pulis.
"Hoy tigil!."
"Taas ang kamay!"
Sigaw ng ilan sa mga pulis na humahabol sakin pero hindi ko pinapansin, kailangan kong makalayo. Hindi pa ito ang tamang panahon para makulong ako, gagawin ko muna lahat ng gusto ko bago maging preso.
Bigla akong napahinto sa pagtakbo nang may kotseng mabilis na humarang sa daraanan ko. Iiba na sana ako ng daan kaso biglang bumukas ang pinto ng kotse at nakita ko si Terrence na naka-lean forward dahil binuksan niya yata ang pinto sa katabi nitong upuan.
"Sakay!." Sigaw nito, nagtataka man ako kung bakit siya nandito ay sumakay na lang ako sa tabi niya at agad na sinara ang pinto.
Pinaharurot niya ang sasakyan at mabilis na lumiko, napatingin ako sa side mirror at nakita ko ang pulis na hinahabol pa rin ako, nakita ko sa likod nila ang police car papunta sa direksyon namin.
"Terrence, bilisan mo pa at baka mahabol nila tayo." Sinunod naman ni Terrence ang sinabi ko at mas pinabilis ang sasakyan.
Medyo nahihilo naman ako sa bilis.
"Nga pala, bakit bigla kang sumulpot?." Tanong ko rito.
"Ahh, n-napadaan lang naman ako may binili lang ako banda doon sa inyo." Sabi niya.
"Ah ok, nga pala buti na lang dumating ka kundi nahuli na nila ako."
"Ano ba kasing ginawa mo bakit ka hinahabol ng mga pulis? Nagnakaw ka ba?" Napatingin naman ako sa kanya.
"Hindi ah, at bakit ko naman gagawin yun."
"Hindi ka naman hahabulin ng mga pulis kung wala kang ginawang masama." Nagsisimula na siyang magduda.
"Ah basta mahabang kwento."
"Edi paikliin mo." Napakamot na lang ako ng ulo.
"Kulit naman ng pwet mo Terrence, napagbintangan lang nila ako na a-ako yung pumatay." Gumawa na lang ako ng kasinungalingan, pero ang totoo ako naman talaga ang pumatay.
"Ok." Nginisihan lang ako ni Terrence.
"Nga pala, san kita ibababa?." Tanong nito.
"Sa kalsada."
"Bonak! Saang lugar?." Inis nitong tanong, tinawanan ko na lang.
"Dun muna ako sa bahay ninyo." Sabi ko, hindi pa kasi ako nakakapunta sa bahay ng ungas na to.
Nakita kong nanlaki ang mata niya at tumingin saglit sakin tsaka binalik ang tingin sa daan.
"P-pero, baka magalit si Mama."
"Hindi yun! Sige na." Pamimilit ko, wala talaga ako ngayong mapupuntahan bwiset.
"H-hindi nga pwede." Pansin ko ang taranta sa boses nito, baka natatae to?
"Libre kita bukas." At ayun, sinabi ko na ang magic words.
"Oh sige! Gusto mo dun ka na tumira." Masaya nitong sabi, napailing na lang ako.
Tahimik lang kami sa byahe, maya maya ay lumiko kami sa isang madilim na lugar. Halos wala akong makita, dagdag mo pa yung gabi. Wala ding street lights, tanging buwan lang ang nagbibigay ng liwanag dito tsaka ilaw ng sasakyan namin.
"Ang dilim naman dito Terrence, dito ba talaga kayo nakatira?" Basag ko sa katahimikan.
"Oo, bakit? Natatakot ka? Wag ka mag-alala walang multo dito."
![](https://img.wattpad.com/cover/185137481-288-k724144.jpg)
BINABASA MO ANG
Blood of Roses
Mystery / ThrillerSyco Lim, is just your typical college boy who left by his girlfriend named Rose. He really loves her, but Rose chose to left her because he's boring and not handsome. Days passed, Syco saw his classmate's gore sketch, he started to feel weird like...