Chapter 5

6 1 0
                                        

Syco's POV

"Sarap naman nito Terrence, anong karne to?" Kakaiba yung karne eh, hindi baboy at hindi rin baka.

"Tao." Tipid niyang sagot, kaya pala masarap.

"Ok."

"Di ka man lang mashoshock?" Takang tanong nito, na-shock naman ako, buti pinaalala niyang dapat akong ma-shock.

"K-kumakain ka rin ng tao?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Oo, ikaw din ba?"

"O-oo." Nauutal pa ako, siguro naman hindi niya ako isusumbong sa pulis ano? Siya nga kumakain din eh.

"Alam mo Syco, wag mo nang itanggi. Alam kong ikaw ang pumatay sa ama mo." Nilunok ko muna ang kinakain ko at napatingin sa kanya.

"P-paano?--."

"Nandon ako ng mga time na yun sa labas ng bahay ninyo, iaabot ko kasi sana sayo yung notes mong naiwan mo sakin nung isang araw nung kumopya ako sayong assignment. Nakita ko kung paano mo pinatay ang ama mo." Nakangisi nitong sabi sakin. Kaya pala kanina sa room ay parang may gusto siyang malaman sakin, kaya pala nagtatanong tong bugak na to.

"Eh bakit ka pa pumunta sa bahay? Sana sa room mo na lang binigay."

"Naisip ko kasi na sabay na tayong pumasok."

"Bakit tayo sabay papasok?"

"Siyempre ililibre mo ko sa mga madadaanan nating pagkain." Sabi ko na nga ba't yan ang sagot niya.

"Sana pumasok ka na lang sa bahay edi sana pinagsaluhan natin si Dad! Hahahaha!." Nagtawanan kami.

"Nga pala, ikaw lang ba nandito? Nasan yung mga kasama mo?" Tanong ko.

"Ito." Sabi niya sabay turo sa plato kung saan nakalagay ang kinakain namin.

"Ha? Karne kasama mo?" Binatukan naman ako nito, aba tarantado--

"Bonak! Slow! Mabagal! Di maka-gets kaagad! Pinatay ko na sila, kinatay at niluto." Confident nitong sabi.

Imbes na kilabutan ay namangha pa ako dahil nagawa niyang patayin ang mga kasama niya sa bahay ng mag-isa lang. Sana oil.

"Kailangan talaga sunod-sunod ang insulto!" Inis kong sabi dito, ratratin banaman ako ng Bonak, Slow, mabagal at di maka-gets agad.

"M-mga demonyo kayo! Mga halang ang kaluluwa!" Sabay kaming napalingon sa sumigaw, nakita namin ang isang babaeng mga nasa edad 50's, nakadamit ito ng pang katulong at may hawak pa itong map at balde. Mukhang naglilinis.

"Manang Beth?" Sabi ni Terrence habang nanlalaki ang mata.

"Sinungaling ka Terrence, ang sabi mo day-off lang nila pero pinatay mo pala! Wag ka na magsinungaling, narinig ko ang pinagusapan ninyo ng kaibigan mo. At kita ko sa mukha mo ang katotohanan!" Galit nitong sigaw kay Terrence.

"Alam mo, sa lahat ng naging alaga ko ikaw ang pinakagusto ko dahil masiyahin ka at napakabait na bata. Hindi ko akalaing magagawa mo ito." Malungkot nitong sabi.

Napayuko naman si Terrence, palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila ngunit di nagsasalita itong katabi ko. Mukhang siyang nakokosensya.

"Sana nananaginip lang ako." Sabi nung Manang Beth.

Tumingin uli ako kay Terrence, hindi pa rin siya nagsasalita. Nagulat naman ako nang bigla itong nag-angat ng tingin at ngumiti ng tila demonyo. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya ah.

Sa school kasi hanggang ngisi lang siya.

Tumayo siya mula sa tabi ko at dahan-dahang lumapit kay Manang Beth, bakas ang takot sa mukha ng babae.

Blood of RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon