Syco's POV
"Ano Syco musta?" Bungad na tanong sakin ni Terrence pagpasok ko pa lang ng room.
Kumunot ang noo ko sa kanya, it's not the typical Terrence na kinukumusta ako.
"Ayos naman." Tipid na sagot ko.
"Really? Nothing happened?." Tanong niya na parang may gustong malaman.
Alangan ikwento ko sa kanya ang pagpatay ko sa ama ko edi nag-freak out to, and knowing him once na may secret akong sabihin sa kanya, kinabukasan kalat na. Parang babae eh, hindi kayang magtago ng secret ng matagal.
"Stop being weird, Terrence painom na lang ako niyang coke mo." Sabi ko sabay hablot coke mismo niya. Napakamot na lang siya sa ulo.
Tinuturing ko na ding bestfriend itong si Terrence dahil kami lang naman ang close sa room, walang pumapansin sakin especially girls kasi nga boring akong tao. I'm not like the other guys who's freaking hot and handsome, para lang akong nerd at typical college boy na bookworm. Lampa din ako minsan.
"May poging transferee daw?."
"Hala omg!? We?."
"Oo nga!."
"Hay salamat may pogi na din satin."
"May pogi naman satin ah?."
"Sino?."
"Si Terrence tsaka si Syco hahaha!."
"Oo nga gwapo sana sila, kung wala lang salamin, mukhang mga nerd eh."
Pag ako nainis tatanggalin ko salamin ko nang maglaway sila sa kagwapuhan ko, siyempre joke lang edi hindi ako nakakita nun.
Umupo na lamang kami ni Terrence at nakinig sa tsismisan ng mga babae, puro yung transferee ang bukambibig nila. Mas gwapo pa ko dun baka magmukhang ingrown lang yun pag tumabi sakin.
Bumukas bigla ang pinto at niluwa nito ang lalaking naka black leather jacket, fitted jeans, tsaka black Nike shoes. May dalawa itong hikaw sa kaliwang tenga at may ahit sa kilay. In short, siga.
Ano ba yan bagong asungot nanaman, naalala ko yung sigang nakabangga ko noon sa hallway. Wag siyang dadaan sa kanto namin kundi uulamin ko siya.
Halos pareho sila ng style nitong lalaking to.
Biglang nagtilian ang girls nang tuluyan na itong pumasok, nag-init ang ulo ko nang makilala ko kung sino ito.
Ang lalaking ipinalit sakin ni Rose, kung minamalas ka nga naman oh. Bat nandito yan?
"Gwapo nga nung transferee."
"Oo nga shit."
"Mala-bad boy."
"Ang hot niya ha."
Gwapo at hot ba to? Langya mukhang adik sa kanto. May pa ahit pa sa kilay ah, nahulog siguro to una mukha kaya nagkaganyan ang kilay.
Tumingin siya sakin tsaka ngumisi, di ako nagpatalo ngumisi rin ako. Dahil sa ginawa niya kinilig naman ang mga babae. Parang ngumisi lang? Tas ako lagi kong ginagawa sa classroom ang pag-ngisi tas di sila kinikilig? Unfair.
Lumapit siya sakin at nang nasa harapan ko na siya ay napatingala ako dahil nakatayo siya at nakaupo lang ako.
"Iniimbitahan nga pala kita sa darating na engagement party namin ni Rose." Sabi niya sakin, pinagdiinan niya pa talaga yung pangalang Rose ha.
Engagement party? Huh! Dapat lang niya panagutan si Rose matapos niya tong buntisin, panigurado nanganak na si Rose. Malas naman ng batang yon at ito ang naging ama niya.
BINABASA MO ANG
Blood of Roses
Gizem / GerilimSyco Lim, is just your typical college boy who left by his girlfriend named Rose. He really loves her, but Rose chose to left her because he's boring and not handsome. Days passed, Syco saw his classmate's gore sketch, he started to feel weird like...