Chapter 1

17 2 5
                                    

Syco's POV

Naglalakad ako sa hallway ng paaralan nang may aksidente akong nabunggo, tinignan ko kung sino ito.

Isa siyang lalaki na may mataas na buhok, hikaw sa magkabilang tenga at bibig, at may tato. Mas matangkad ito sakin ng onti, pero mas malaki ang katawan nito sakin. Nakabukas ang butones ng uniform nito at kita ang puting sando sa loob.

Limot ko pangalan nito pero ang alam ko siga to dito sa University namin.

Sinamaan ako nito ng tingin.

"Aba, lakas ng loob mong banggain ako ha?." Nakangisi nitong sabi sakin.

His breath smells like a cigarette, maybe he smoked somewhere before entering our school. This is what I hate about this trash University, they don't care about students who's wearing improper uniform.

Hinahayaan lang din nila ang nga estudyanteng magmukhang adik, pero no choice. Gustuhin ko mang lumipat ay si Dad ko lang ang masusunod, hindi ko alam kung bakit dito niya ko pinag-aaral dito.

Nandito lahat ng estudyanteng pasaway, siga, bully, bitch, adik etc. Maybe Dad has a reason, lahat naman ng ginagawa niya sakin ay may rason. Minsan nga lang ay nakakasakal na dahil hindi ko magawa ang gusto ko, puro na lang siya.

Nagulat ako nang kwelyuhan ako ng lalaki at biglang sinapak, napaupo ako sa sahig. Ilang sandali lang ay napapalibutan na kami ng mga estudyanteng usisero at usisera. May nagbukas pa ng camera.

Nalasahan ko ang dugo sa aking labi at dinilaan ito para hindi tumulo, hindi ko alam pero bigla akong nasarapan. Napailing na lang ako dahil don.

Tumayo ako at aalis na sana pero bigla nitong hinila ang likod ng uniform ko atsaka ako sinipa sa likod, muli ay nasa sahig nanaman ako.

Mukhang forever na kami ng sahig.

Bwiset na buhay to, parang naglalakad lang ako sa hallway kanina nasuntok at nasipa na ako. Kung sana ay tumitingin ako sa dinadaanan ko edi sana hindi ko nabunggo ang asungot na to.

Bumangon ako at hinarap siya, wala akong balak makipagbugbugan dahil alam kong talo ako, may back-up ang isang to alam ko at kapag sinuntok ko to ay bigla silang lalabas at i-gagang bang ako. Bwiset.

"Pasensya na, ayoko ng away." Sabi ko tsaka yumuko at umalis.

Biglang tumunog ang bell, senyales na magsisimula na ang klase. Narinig ko pa ang sigaw ni sigang asungot.

"May araw ka rin sakin nerd!." Sigaw nito, nagtawanan naman ang ibang estudyante.

Porket nakasalamin nerd na, tsk.

Pumasok na ako sa first subject ko which is Chemistry. Umupo ako sa dulo at hinintay ang pagdating ng aming professor.

Ang tagal.

Tumingin ako sa katabi kong si Terrence, as expected nag dadrawing nanaman ito ng mga putol na kamay, paa, pugot ulo at iba pang mga brutal. Psycho yata ang isang to.

Sa tagal ng panahon na katabi ko to, ngayon ko lang nagustuhan ang iginuguhit nito. Sa di malamang dahilan tumunog ang tiyan ko. Kakakain ko lang kanina gutom nanaman ba ako?.

"Oy hello Syco, nagustuhan mo ba?." Nakangiting sabi sakin ni Terrence habang nakalahad sa pagmumukha ko ang sketch pad niya. Dito ko malinaw na nakita ang drawing niya.

Agad akong tumango at nakaramdam ng uhaw kaya ko ito nilayo sa mukha ko. Kita ko ang gulat na gulat niyang mukha habang nakatingin sakin.

"Himala, ngayon mo lang yata nagustuhan ang drawing ko. Dati naiinis ka pa kasi ang weweird nito." Di makapaniwala ang gago.

Blood of RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon