0.1

26 1 0
                                    

0.1: Dark Lord and Legendary Queen

LOUIS

After i explained all about his clip I proceed on explaining again about the rank. "Ok so lets go back to the ranks. San na nga ba tayo?" tanong ko habang nakatingin pa pataas at inaalala kung san na ba kami

"Nasa library." sagot nito sabay ngisi

Napasimangot naman ako sa sagot nya "Yung totoo? Kanina ngiti ka ng ngiti tapos bigla kang magsusungit tapos ngayon magjojoki-joki ka sakin? May multiple personalities ka ba?" tanong ko

Ngumiti na naman ito "Sabihin na lang natin na parang ganun na nga. Bakit weird ba?" tanong nito

"Well...medyo onti." ngiwi ko sabay gesture sa kamay na onti

He chuckled and then suddenly I found myself staring at him again. Nang mapansin nyang nakatitig ako sakanya umayos ito ng tindig maging ako.

"Ehem! San na nga ba tayo?" tanong nya

Ngumisi ako "Nasa library." sagot ko

Sya naman itong napasimangot at ako naman itong napatawa. "Pffft....HAHAHAHAHAHHAHAHA!"
Nang mapansin ko na ang sama ng tingin nito sakin tsaka lang ako umayos ng upo.

"Ehem! Ehem! So eto na nga nasa libra---ah este Primes na tayo. Kahit na walang tayo

"Huh? Anong sinabi mo nung huli? Di ko narinig" tanong nito

"Ah wala wala. So Primes....Primes is the second strongest rank dito sa academy. Yung mga levels nila is 31-60 right? Ganun sila kalakas! Lalo na't yung mga mahikang pinagkaloob sakanila ay mga sub-elementals" paliwanag ko

"Isa pa kung tayong mga Infirmi ay tinaguriang mahihina, sila naman ay malalakas, mataas ang tingin sa sarili at higit sa lahat ay mayabang." pagpapatuloy ko

"How about Superiors?" he asked

"Yiiiieeee...eto na nga. Superiors, superiors ang pinakamalakas dito sa academy. Kung ang kapangyarihan ng mga primes ay sub-elementals lang, sila naman ay pure elements naman. Tinagurian silang serious type, at disiplinaryan nitong akademya. Sila rin ang pinaka-binibigyan nang misyon dito. At yung mga misyon nila na yun ay mas mahirap kesa sa primes. Sabagay parte din kasi yun ng training nila." kibit balikat kong sabi

Napakunot noo sya at nagtanong "Training?"

"Yup! Training! Siguro alam mo naman yung nangyari 300 years ago?" tumango ito

"Ok so 300 years ago nangyari ang pinkamalalang digmaan na dito sa mundo natin. At sa digmaan na yun ay nanguna ang Legendary Queen sa pamumuno laban sa Dark Lord. At ayon sa sabi sabi na si Legendary Queen at Dark Lord daw ay nagmamahalan. Yun nga lang di sila nagkatuluyan."

"Let me guess? Dahil magkalaban sila?" tanong nito. Tumango ako at pinagpatuloy ang pagsasalita "Oo, ang totoo kasi niyan di naman talaga masama si Dark Lor--- ay hinde si King Lauro. Isa syang mabuting hari sakanilang kaharian. Ang Demarian Empire na ang tawag dito ay Lost Empire dahil magmula noong sumapi sakanya ang Dark Lord unti unting nawawala ang kanilang emperyo."

"So lets go back, dahil nga mahal na mahal nila ang isa't isa at walang tutol sa kanilang pagmamahalan pinaghandaan nila ang kanilang kasal. Ngunit ayun nga sa di inaasahang pangyayari sa araw ng kanilang kasal, di nakadalo ang hari dahil dun na sya nasapian at dun na rin nagsimula ang digmaan." pagpapatuloy ko. Napabuntong hininga ako at tiningnan sya

"Itutuloy ko pa ba?" tanong ko

"Yes. Interesado ako sakanila." sagot nya

Huminga ako ng malalim bago magsalita muli. "Fastforward.....nagsimula na ang laban, naglaban silang dalawa ng naglaban. Hanggang sa bumalik sa ulirat si King Lauros nagmakaawa sya kay Legendary Queen na patayin na nya ito. Ngunit nagmatigas si Legendary Queen ngunit di rin nagtagal habang tinitingnan nya ang kanyang mga mamamayan wala na syang mapagpilian. Tinurok nya ang kanyang espada sa puso ni king lauros. At don nagtapos ang laban."

"Mula noon laging tulala si Legendary Queen. Hanggang sa nagpakita sakanya si Goddes Eliana sinabi nito na hindi pa nabubura dito sa mundo natin ang Dark Lord. Babalik daw ito matapos ang 300 taon."

"Wait...babalik? Matapos ang 300 taon? It's impossible right?" nakita kong nabahidan ng takot ang kanyang mga mata

"Yes. Sa henerasyon natin ipagpapatuloy ang laban na akala nila'y natapos na noong una." napalunok ito

"Paano? Sino ang nakatakda?" tanong nya

Umiling ako "Walang nakakaalam kung sino. Pero sabi noon ni Goddes Eliana na ipasa ni Legendary Queen ang kanyang kapangyarihan sa taong yon. At inutusan naman ni Legendary Queen ang ibang kaharian na gumawa ng isang marka na lilitaw sa makakasama ng nakatakda sa takdang panahon ng pangawalang labanan."

"So that explains the superiors right? They are the ones na makakasama ng nakatakda kaya sila nagtratraining ng maigi." tango-tango nitong sambit

"Right! So ano tara na? Madami pa kong ipapakita sayo." yaya ko

Ngumiti ito at naunang tumayo "Oo nga pala. Tara!" at tumabi ako sakanya at sabay kaming naglakad

-------

Hayyyyyy....kapagod!!!! Tapos ko na syang i-tour at nandito na kami ngayon sa harap ng dorm nya. Di pa kasi nya alam ang daan kaya hinatid ki na lang muna sya.

"Nakakahiya naman ako tong lalaki tapos ikaw pang maghatid sakin." nahihiya nitong sambit

Ngumiti lang ako "Ano ka ba eh pano kung maligaw ka? Baka kung sino sino yung ma-encounter mo dyan. Tsaka oks lng naman sakin. Isipin mo na lang na pa-welcome ko to sayo"

"Sige di bale sa susunod ako naman ang maghahatid sayo." ngiti nito

"Sige lang no problem." sagot ko

"So friends?" lahad nito ng kamay

"Friends!" sabay hila ko sakanya at niyakap sya

--------
LightOfSerendipity

Note: sinadya kong iksihan continuation lang kasi. Anyway enjoy!

The Mysterious Girl In Blue CloakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon