THIRD PERSON'S POV"Waezon..."
"Waezon..."
"Malapit na!"
"Kailangan mo nang maghanda..."
"Magmulat ka..."
"Tanggapin mo ang kapangyarihan nya..."
"Waezon..."
"Waezon!"
"WAEZON!!!"
Dahil sa sigaw na iyon, pawis na pawis na bumangon si Waezon sa kanyang kama. Magmula noong nakita nya ang babae sa asul na kapa, lagi na lang sya nananaginip ng isang boses. Boses na tila pinamamadali sya sa di malamang dahilan. Ngunit di pa man nakakabawi sa biglaang paggising---
"AAAAAHHHHHHH!!!!" sigaw niya
"A-ANO? B-BAKIT KA N-NANDITO?!" naghehisterikal na tanong ni Waezon sa taong nasa harapan nya.
"Narito ako dahil may sasabihin ako saiyo." malamig na tono ang nangibabaw sa silid. No other than the mysterious girl in blue cloak. "A-ano?" nauutal na tanong ni Waezon. Di nito mapigilang mapalunok sapagkat ang awra ng taong nasa harap nya ay sadyang nakakatakot.
"Magmula ngayon palagi mo na akong makikita. Dahil sa pagtanggap mo ng iyong kapangyarihan ay nagsisimula na sila. "
"Sila? Sinong sila?"
"You'll know soon. But for now let me handle the situation." malamig nitong sagot. Tumango-tango lang si Waezon. Sa isip nya kailangan niyang sabihin ito sa superiors.
"Wag mong balaking sabihin sakanila ito. Di mo alam ang mangyayari kung sasabihin mo ito sa kanila. One mistake can destroy everything. So better shut your mouth young man, kung ayaw mong ako ang magpatahimik niyan." banta nito. Nangiginig na tumango na lang si Waezon
Nawala ito katulad ng pagkawala nito noong nasa isla pa sila. Nakahinga siya ng maluwag ngunit di maalis ang pagtataka kung bakit ito nagpakita muli sakanya. Pero sa lahat ng sinabi ng babae sa asul na kapa wala siyang maintindihan. Ngunit may isa syang napansin...
May kaboses ito!
Sabi nya sakanyang isip.
Sa kakaisip nya kung sino ito, di nya namalayang unti-unti na syang bumabalik sa pagkahimbing.
-------
LOUISE
"Mr. Kalikasan." bulong ko dito. Kanina ko pa kasing napapansin na balisa sya. At kung minsan'y parang kinakausap ang sarili.
"Mr. Kalikasan!" medyo nilakasan ko ang pagtawag. Pero parang wala pa rin syang naririnig. Tulala pa rin ito sa kawalan.
"Mr. Kalikasan!!"
"Yoohoo!!"
"Uyy!! Bat ka tulala dyan!"
Pero di pa rin ako pinapansin. Huminga ako ng malalim at.... "MR. KALIKASAN!!" sigaw ko sa tabi ng tenga nya kaya nagulat ito. Pero may biglang nagsalita
"Why are you shouting in my class Ms. Cogswart?" nakakatakot na tanong ni Prof Evan. Ngayon ko lang napansin na halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sakin. Nahihiya akong umupo ulit sa upuan tsaka tumungo.
"I'm asking you Ms. Cogswart!" mariing sabi sakin ni Prof.
"Hehehe....W-wala po sir! P-puyat lang. Hehehe" uutal-utal kong sagot. Tiningnan lang ako ng masama ni prof bago bumalik sa harapan. Binaling ko naman ang tingin ko kay Mr. Kalikasan na hanggang ngayon eh parang wala pa rin sa sarili. Pekyu ka sakin mamaya!
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl In Blue Cloak
FantasyThis story is about mysterious girl wearing a blue cloak whose always saving the academy and there kingdom from evils