3

6 1 0
                                    

"The mysterious Girl in Blue cloak!"

THIRD PERSON POV

Superiors Secret Room

Natipon-tipon lahat ng mga superiors sa kanilang secret room. It was located on the underground of their headquarters. Ito ang nagsisilbi nilang meeting room na tanging sila lamang ang may alam. Pinatawag sila ni Hunt upang pag-usapan ang nangyari kahapon. Ngunit imbes na magusap-usap sila tungkol doon, nagaasaran at nagkukulitan pa ang iba.

"Alam mo Victoria ang ganda mo sana eh kaso ang sungit mo kaya pumapangit ka eh! HAHAHAHA!!" asar ni Uno kay Victoria. Tiningnan naman sya nito ng masama

"Anong sabi mo?! Pangit ako? Eh kung gawin kaya kitang bulate dyan!!" sigaw ni Victoria!

"As if you can!" asik ni Uno

"Yes I can!"

"No you can!"

"Yes I can!"

"Di nga sabi eh!"

"Grrr! Pwede ba!"

"Pwedeng ano? Ahhh--- sige sige pwedeng maging tayo? Ok kung yun ang gusto mo." asar na naman ni Uno. Napahilamos na lang ng mukha si Victoria dahil sa inis at inilabas ang staff nito.

"Uh-oh"

"Run for your life now! Ill turn you into a worm You dvmbass jerk!" sigaw ni Victoria. Dahil sa sigaw nito nagsimula ng tumakbo si Uno kaya hinabol sya ni Victoria

Sa kabilang banda....

"Kyle usto mo?" alok ni Raysha ng chips kay kyle habang ngumunguya

"No." mabilis na sagot ni Kyle

"Oshige." sagot ni Raysha na punom-puno ng pagkain ang bibig

"Eto kyle usto mo?" alok na naman nya pero chocolate naman ito. Umiling lang si Kyle at pinagpatuloy ang pagbabasa. Pinagpatuloy nya ang pagkain hanggang sa mahagip nya ang dalawang Milktea. Kinuha nya ang isa at itinapat kay Kyle upang alukin na naman ito.

"Kyle, etong milkt---ayyy!!!" at sa di inaasahang pangyayari, nasanggi ni Uno ang kamay ni Raysha na hawak ang milktea kaya natapon ito sa librong binabasa ni Kyle. Saglit itong natigilan na parang di makapaniwala sa nangyari at tsaka pabagsak na binitawan ang kanyang libro. Tumingin ng masama sakanya si Kyle, napaatras sya dahil doon.

"You're dead." serysong wika ni Kyle.

"Patay!" Kinabahan si Raysha kaya nagsimula na itong tumakbo

"Waahhhhh!!! Pekyu ka Uno! Huhuhu....kasalanan mo tong monggoloid ka! Uwaaaahhhh!!" ngawa ni Raysha habang hinahabol siya ni Kyle

Si Lisanna naman, tahimik lang na nakaupo sa isang gilid at pinagmamasdan sila. Ngumingiti din ito paminsan-minsan dahil sa kakulitan nila. Umiiwas lang sya kung may tatamang bagay sa direksyon nya.

Si Hunt naman ay napupuyos na sa kanyang kinauupuan. Imbes na maupo sila at manahimik, eto kung ano-ano pa ang ginagawa. Kaya di na sya nakapagpigil. Tumayo ito at hinampas ng pagkalakas-lakas ang lamesa.

"ALL OF YOU! WILL YOU PLEASE SHUT UP! AND SITDOWN!!" nanggagalaiting sigaw ni Hunt. Napatigil silang lahat sa ginagawa, si Amanda na nakasabunot ang kamay sa buhok ni Uno, at si Kyle naman na nakahawak sa dalawang braso ni Raysha na parang inaaresto ito habang nakatingin lamang si Lisanna sakanya.

"We're here to talk about what happened yesterday not to play around." malamig na sambit ni Hunt

Nagtikhiman sila at inayos ang sarili bago umupo. Umupo na rin si Hunt sa kanyang upuan at pinatong ang kanyang dalawang braso at pinantay sa kanyang mukha at pinagsaklop ang mga daliri.

The Mysterious Girl In Blue CloakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon