LOUISEHayyyy...kung bakit ba kasi ang laki laki neto! Napabuntong hininga ulit ako. Naglalakad na naman kase ako ngayon dito sa napakahabang hallway para lang makapunta sa una kong klase ngayong araw. At sa bawat araw na pamamalagi ko dito, napapagod na talaga akong maglakad! Ang tagal tagal naman nya kasing magpakita! Grrr
Pawis na pawis ako nang makarating sa aking klase kahit na di naman ako tumakbo, sadyang malayo lang talaga ang nilakad ko tapos mainit pa. Buti na lang at wala pa ung Prof kaya di ako mapapagalitan pero almost ng mga kaklase ko ay nandito na.
Lumakad ako papunta sa aking upuan. Sa likod tabi ng pintuan, saktong pagupo ko dumating na si prof.
"Good morning class!" bati nito.
"Good morning din Prof Evan" bati ng mga kaklase ko. Ngumiti lang si Prof tsaka pinaupo kame.
"Ok class! Bago tayo magsimulang magklase mayron muna akong ipapakilala sainyo. Iho pumasok ka na at magpakilala."
Pumasok ang lalaking tinawag ni Prof. Matangkad, well-built body, sakto lang ang kulay, mapulang labi, maputing ngipin, mahahabang pilik mata, makapal na kilay, bilugang mata, itim ang kulay ng mata, at higit sa lahat ay puti ang buhok! Wait....what?! Puting buhok? Pano? Imposible!
Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis bago magpakilala. "Hi! I'm Waezon Ricafhort. Nice to meet you all!" masigla nitong pagpapakilala. Ngunit katulad ng aking inaasahan...
"Bakit may nakapasok na tulad nya dito?"
"Hindi sya nabibilang dito!"
"Anong nangyayari sa eskwelahang ito? Bakit sya tinanggap?"
At marami pang iba. Muli ay napatingin ako sakanya ngunit iba ang inaasahan kong maging reaksyon nya. Imbes na malungkot, nakangiti pa sya! Ngunit pansin sa mga mata nya ang lungkot at sakit. Marahil ay sanay na sya....
"SILENCE!!!" biglang sigaw ni Prof. Kaya naman tumahimik uli ang klase. "Hindi ba kayo marunong rumespeto?! Ano ngayon kung puti ang kanyang buhok? Tingin nyo ba makakapasok sya dito kung walang nananalaytay na mahika sakanyang katawan? Hindi ba kayo nagiisip? Kaya nga itinayo itong akademya para sa tulad nila! Mga stupido stupida!" sigaw sakanila ni Prof. Well sila lang....HAHAHA
Napayuko ang mga kaklase ko dahil sa mga sinabi ni Prof. Tama si Prof, Itinayo itong eskwelahan sa mga tulad nya/nila na kung tawagin ay White People ang mga tulad nila ay isang mababang uri ng mamamayan na hindi pa alam ang kanilang mahikang tinataglay. Sila iyong mga mamamayan na mabagal ang paglabas ng kanikanilang mahika. Kung kaya't maraming white people ang laging inaapi ng iba. Tinagurian kasi silang mahihina kaya ganon.
Muli nagsalita si Prof "Maaari ka nang maupo sa tabi ni Louise Mr. Ricafhort." utos ni Prof. Kung mamalasin nga naman oh!
Ngumiti na lang ulit si Waezon at dali daling lumakad papunta sa tabi ko. Nang maupo na sya di ko mapigilang suriin sya. Gwapo sya oo, mukhang malakas oo, pero deep inside he's fragile and naive at the same time. Halatang sensitive sya sa mga bagay bagay. Mukha syang tutang naliligaw at di alam kung saan ang daan pabalik sa amo nya. Haysss...kung anong nilaki ng katawan sya namang kasensitibo ang nararamdaman.
Para siyang babae! Di kaya bakla sya? Sayang naman kung ganonNagsimula nang magklase si Prof. Halata sa mga kaklase ko ang pagkabored kahit din naman ako. Pero itong katabi ko kung anong kinabored namen sya namang kinasigla nya sa pakikinig kay Prof. Mukhang determinado syang matuto.
Siguro matutulog na lang muna ako...
-----
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl In Blue Cloak
FantasíaThis story is about mysterious girl wearing a blue cloak whose always saving the academy and there kingdom from evils