2

12 1 0
                                    

"...Extherian."

LOUISE

1 week passed

Monday na naman. At heto ako ngayon nakahiga sa ilalim ng puno imbes na pumasok. Tinatamad lang kasi talaga ako. At hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na kaibigan na namin ang mga Superiors. Kumbaga langit sila at lupa kami, mahirap abutin. Pero ito kami ngayon kaibigan na sila. Napangiti tuloy ako.

Kasabay pala namin sila mamaya. Lagi na pala
Ngunit biglang nawala ang ngiti ko ng maalala ko si Hunt.

-------

"Btw, I'm Hunt Grey Tuxbury." kinuha nito ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad. Naramdaman ko ang pagakyat ng init sa aking pisngi.  Kingina! Siguradong namumula na ako ngayon!!! "It's my pleasure to meet you."

Lumingon ako sa paligid. Pansin ko na tulala ang ilan sa mga superiors. Parang nagulat pa sila sa nangyari. Binawi ko na ang aking palad at kunot noo silang tiningnan. Anong meron?

Tanging ako tsaka sina Mr. Kalikasan at Abraham lang ang nagtataka sa pangyayari. Dahil sa pagtataka naglakas-loob akong magtanong sakanila. "Uhh...Bakit kayo ganyan?"
Unang nakabawi si Princess Amanda. Tiningnan lang ako nito at di nagsalita. Hanggang sunod sunod nang nakabawi yung iba.

Tiningnan ako ni Prince Uno, tumikhim muna ito bago magsalita. "Woah!! First time yun Hunt ah!"

"Oo nga! Type mo noh?!" Raysha

"Dapat magsusungit ka nyan eh" Kyle

"Bakit?" Amanda

Sunod-sunod nilang tanong. "Shut up!" sagot na lamang ni Prince Hunt at bumalik sa pagiging seryoso ang mukha. Kunot noo pa rin aking nakatingin sakanila. Di na ako nakatiis kaya kinalabit ko na lang si Princess Lis para magtanong. Kinukulit kasi nung iba si Prince Hunt

"Princes---"

"Lis na lang Louise." sabi nito
Tumungo ako bago magsalita ulit. "Paumanhin Prin---este Lis" ngumiti lang ito

"Kung itatanong mo saakin kung bakit....maski ako nagulat din. Si Hunt kasi yung tipong 'bahala ka dyan di kita papansinin hanggat di mo ko pinapansin' kaya talagang nagulat kami dahil sya ang unang namansin tapos hinalikan ka pa sa palad." paliwanang nito. Parang may something sa mga mata nya habang sinasabi iyon. Tumango lang ako at ibinalik sakanila ang tingin. Naawawkwardan tuloy ako. Jezzz

Si Abraham naman gumalaw sa inuupuan nyan at medyo lumapit sakin. "Yiiiiee....kilig ka na nyan?" tanong nito ng nakangisi

Namula na naman tuloy ako. Magsasalita na sana ako ng..."Manahimik ka nga dyan Abra!" inis namang sabi ni Mr. Kalikasan. Imbes na tumigil si Abraham mas lalo pa syang ngumisi at sya naman tong bumulong kay Mr. Kalikasan. Base sa reaksyon ni Mr. Kalikasan mukhang nakakainis yung binulong ni Abraham. Nagkibit balikat na lang ako

"Ehem!" napalingon kami sa taong iyon. Si Princess Amanda

"Wag nyo na lang isipin yung ginawa ni Hunt. Kalimutan na natin yon. Baka may topak lang sya ngayon kaya nya nagawa iyon. Anyway we have to announce something. Raysha?" Amanda

"From now on dito na kayo sasabay samin. Para iwas na rin sa Primes. So friends?" ngiti nyang tanong

"FRIENDS!!" sagot namin

-------

Nakakainis feeling ko pinagtripan ako nung prinsepe na yon! Hayyy...imbes na magisip ng kung ano-ano matutulog na lang ako.

ZzzzzzzZzzzz

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Tiningnan ko ang orasan 12:30 na pala. Tumayo at pinagpagan ang sarili kinuha ko ang bag ko at naglakad patungong hall. Haysstt...tinatamad talaga ako

The Mysterious Girl In Blue CloakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon