8:46 PM
cupid: lutang ka kanina ah
cupid: hindi mo ako kinausap :(
rosé: sorry
rosé: pero ayos lang ba yung pagkanta ko kanina?
cupid: oo naman
cupid: sabi ni manager masyado lang daw senti yung kanta mo eh medyo masaya raw ang atmosphere kanina
rosé: that's not good 😩
cupid: ayos lang yannn baka hormonal imbalance lang yan haha
rosé: tapos na period ko
cupid: ay hehe
cupid: baka nahuli lang yung mood swing mo..
rosé: kinausap kasi ako ng ex ko. kaya ayun, lutang.
cupid: hays, yung june? inaway ka ba niya?
rosé: nanggulo lang saglit
rosé: of all people, he knew very well that I hate fights. ayokong may nang-aaway at nag-aaway. hindi ko alam kung bakit kailangang may mag-away dahil pwede namang pag-usapan nang maayos ang mga bagay.
rosé: pero nag iba ang pananaw ko dahil kay june. nung niloko niya ako, inaway ko siya kasi hindi madaling patawarin ang ginawa niya sakin. gumaan ang loob ko nung kinompronta ko siya at nasabi ko sa sarili kong, hindi pala lahat ng bagay eh nadadaan sa masinsinang usapan.
rosé: doon ko naintindihan kung bakit nag-aaway ang mga tao. doon ko naintindihan na kailangan pala minsan, magalit din tayo.
cupid: natural lang naman na nagalit ka sa kaniya at awayin siya kasi mali yung ginawa niya
rosé: pero bago nangyari yun hindi talaga ako marunong magalit
cupid: hmm. edi salamat na rin pala sakaniya kahit na gago siya kasi tinuruan ka niya kung paano makaramdam ng galit. hindi rin kasi maganda pag masyado kang mabait
cupid: minsan sa buhay kailangan mo rin yun maramdaman
rosé: pero ayoko na yun maramdaman ulit. nakakapagod saka masakit sa loob. as much as possible gusto ko lang maging masaya para mabuhay nang matagal hahaha
rosé: sorry, ang daldal ko
cupid: ayos lang!! pangarap kaya ng mga fans ang makausap ang idol nila
cupid: kung ibang tao ako malamang namatay na ako sa inggit kasi may ganitong pag uusap tayong naganap haha
cupid: pero rosé, thank you ah? kasi nagseshare ka sakin ng ganito.
rosé: mukha ka namang mabait eh
cupid: mukha ba akong mapagkakatiwalaan?
rosé: medyo??
rosé: wag ka lang mamblackmail
cupid: hala hindi naman ako ganun haha
