8:32 PM
cupid: kayo na pala ulit ni june, queen?
cupid: I mean, rosé.
cupid: naka move on ka na...?
cupid: nevermind mo nalang ako, bub.
cupid: rosé pala.
cupid: sorry sa istorbo.
11:56 PM
rosé: what?
rosé: hala hindi ko alam na nagttweet si june ng ganon
rosé: kahit kailan, hindi ka naging istorbo, eros.
cupid: thank you bub.
cupid: rosé* : (
rosé: ang tagal na, eros. sanayin mo na ang sarili mong tawagin ako sa pangalan ko.
cupid: oo, sorry.
cupid: kayo na ulit ni june?
rosé: hindi ko nga rin alam na kami na pala ulit. desisyon niya lang yon.
rosé: wag mo na yun pansinin
rosé: give me 5mins, i'll send the song to you
cupid: yay thank you bub!
rosé: rosé* na dapat yun ha
cupid: okay..
rosé: nasend ko na.
rosé: eros, hanggang kailan mo pa ba gustong marinig ang boses ko? hindi ka pa ba nagsasawa? paulit ulit nalang yung kanta ko.
cupid: ginusto mo yan edi gawin mo
cupid: HAHAHA loko lang
cupid: rosé wag mong kakalimutang ikaw ang nag offer na gawin yan. sabi ko naman sayo hindi ko pagsasawaan ang boses mo e, kaya hangga't willing kang magsend sakin e willing din akong pakinggan yan
cupid: at kapag napagod ka na, hindi naman kita pipilitin
rosé: sure ka?
rosé: alam mo bang hinihintay ko nalang talagang magsawa ka? kasi wala rin akong balak tumigil hangga't hindi mo sinasabing ayaw mo na.
cupid: ang gulo natin ano? hahaha
cupid: pero boses mo lang kasi ang nagpapakalma sakin matapos ang mahabang araw kong pag alalay kay xahria. nawawala pagod ko pag naririnig ko na boses mo.
rosé: glad to know that I can ease your tiredness.. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/183483115-288-k450537.jpg)