10:12 PM
rosé: jgh kaninang 10:00 pa
cupid: thank goodness akala ko kung napano ka na
cupid: ang tagal mo kasing magreply e 😥
rosé: sorry naman haha nag iingat lang kasi akong magdrive katulad ng sinabi mo dahil gabi na
cupid: ilan ang takbo mo?
rosé: 40kph
cupid: ok
cupid: thank you ulit kanina ha. more dinner dates to come hehehehehe
rosé: friendly dinner nalang kung may susunod pa wag munang dinner date haha
rosé: saka sa susunod ikaw naman ang manlibre kasi di ko pa nakukuha talent fee ko
cupid: oh? edi malapit na pala yung kasunod?
rosé: pwede ring sa next next next next next night pa
cupid: limang next iyon so sa thursday ulit?
rosé: bakit ba lahat ng sinasabi ko ginagawa mong literal haha
cupid: eh kasi malay mo hint na pala yun
cupid: na kung ahas ang mga sinasabi mo malamang tinuklaw na ako kasi nandun na mismo yung clue
rosé: ikaw naman ang manlilibre eh kaya siguro ikaw ang magdecide 🤔
cupid: diba dapat baliktad
cupid: ikaw na muna ang magyaya this time kasi napilitan ka sakin kanina
rosé: grabe naman yung word na napilitan. ang sakin lang may usapan kasi tayo tapos nakalimutan ko kaya ayun hahaha
rosé: hmm ganito nalang. marunong ka bang magluto?
cupid: yep
rosé: masarap ka bang magluto?
cupid: hmm.. pwede na raw akong mag asawa sabi ni mami ko
cupid: bakit?
rosé: para less gastos, ikaw nalang magluto ng dinner natin?
cupid: hala
cupid: ayos lang naman sana yun pero baka di ko magawa kasi diba 7:30 pa natatapos yung shift ko
cupid: kaya sa iba nalang talaga tayo pwedeng kumain
rosé: ano kasi eh
rosé: magagaling kasi magluto yung parents ko pero hindi nila naipasa sakin yung skills na yon, kaya ngayong hindi ko sila kasama puro instant meals nalang ang kinakain ko
rosé: saka takeouts sa fast food chain
rosé: gusto ko lang naman makatikim ng lutong bahay skl 😂
rosé: PERO hindi naman kita pinipilit
cupid: kailan mo gusto? para makabili na ako ng ingredients.
rosé: hala huy isang malaking SKL lang yung sinabi ko ah hindi kita pinipilit na magluto
cupid: grabe naman yung word na pinipilit. may usapan kasi tayo na maghahati ng bayad sa kinain natin kanina pero dahil nilibre mo ako, ako naman ang kailangang bumawi.
cupid: dali naaaa kailan mo nga gusto?
rosé: sure ka?
cupid: oo nga HAHAHA dali na baka magbago pa isip ko
rosé: thursday.
cupid: o diba! tama nga ako gusto mo sa thursday 😏
rosé: walang bawian ah? sa thursday magkakaroon tayo ng friendly dinner na niluto mo! ☺️
cupid: noted!