025

154 13 5
                                    

9:28 AM

june: isang buwan lang akong nawala sabog na notifications ko dahil sa reply mo doon sa big yuck chuchu kong tweet

rosé: june, umagang umaga. go away.

june: paano kung ayaw ko?

rosé: wag ako ang kausapin mo. wag mo na ulitin yung pagkakamaling ginawa mo sakin dahil may masasaktan nanaman

june: i miss you, primmy.

rosé: don't call me that.

june: di mo dineny, miss mo rin ako?

rosé: tigilan mo na ako june

june: ayoko nga primmy

rosé: wag mo nga akong tawagin nun!

june: bakit ba? pangalan mo naman yan a

rosé: oo nga. pangalan ko yan, kaya may karapatan akong magdesisyon kung sino ang pwede kong pagbawalan tumawag sakin niyan.

june: sus. useless lang yang "karapatan" mo. sikat ka na ngayon, at hindi mo naman mapipigilan ang mga taong nakakakilala sayo kung anong gusto nilang itawag sayo

rosé: alam ko naman yon

rosé: pero please lang wag mo akong tawagin nun

june: okay, primmy

june: oops

rosé: wag mo na akong kausapin.

june: harsh mo

rosé: ako ba ang nagloko?

june: tapang mo na ah

june: kung ayaw mo na pala e bat hindi mo pa ako binablock?

rosé: because I'm trying to help you!!

rosé: june, kung mahal mo talaga yung babae, hindi mo na ako kakausapin kahit pa hindi kita blinock.

rosé: dapat siya ang kausap mo ngayon at hindi ako

june: bawal ba kitang kausapin as a friend?

rosé: hindi ganun ang approach mo june

june: lol ano bang gusto mong approach?

june: gusto mo bang purihin kita katulad ng mga fans mo

june: gusto mo bang purihin ko ang mga covers mo

june: gusto mo bang purihin ko ang pagtugtog mo ng gitara

june: famewhore ka

rosé: kausapin mo ako kapag hindi ka na marunong magtrash talk.

rosé: atsaka walang kinalaman ang pagkanta ko at pagtugtog ko ng gitara sa naging relasyon natin

rosé: alam mo yung kinakapitan ko ngayon? music, and my guitar. nakakatawa kasi parehas nating hilig ang mga yan. pero alam mo ba kung anong pinagkaiba mo sa dalawa?

rosé: hindi nila ako iniwan sa oras na ikaw naman ang nawala.

Hello, Barista BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon