11:56 PM
rosé: june wtf???
rosé: dalawang araw lang akong inactive tapos ang gulo gulo nanaman sa twitter
rosé: bakit mo kasi tinweet ang picture na yun? that was taken 2 years ago noong tayo pa!
rosé: at niclaim mo pa na tayo na ulit! tama si jennie, ano ba yan bored ka at wala ka ng kalaro?
rosé: june, itigil mo na ito, hindi nakakatuwa.
june: pwedeng magpasalamat ka nalang? tangina, ako na to e. si june na to o! aayaw ka pa ba?!
june: saka single ka na ulit diba?
june: pwede na tayo ulit!
rosé: mygod
rosé: nung iniwan mo ako para sa iba hindi ko na inisip na pwede pang maging tayo.
rosé: tantanan mo na ako june
june: tanga ka pa rin no?
june: nakipagrelasyon ka sa may naanakan na pala 😏
rosé: ohmygod!
rosé: that... is not my story to tell. pero mali ka june
june: ano palang tama? bakit di mo masabi?
june: kung mali ako bakit di ka nagsalita nung lumabas yung issue? bakit di ka pinaglaban nung valentineboi na yun?
rosé: wala akong karapatan para magsabi ng kung ano ano
rosé: ang alam ko lang ngayon eh ayoko na sayo!
june: arte nito. kinalaki ba yan ng dibdib mo?
rosé: ahhhh! nakakagalit ka na talaga! at hindi pa naman ako madaling magalit... nakakainis na june
rosé: ayokong magalit june
rosé: tama na. bawiin mo yung sinasabi mo sa tweets mo
june: ayoko nga rin e. kulit.
june: rosé, tandaan mong mas sikat pa rin ako sayo. bat ayaw mo pang magbalikan tayo, e makakabenefit naman to para sa pangalan mo. hindi ka na ibabash kasi protektado na kita.
rosé: mas lalo lang magugulo ang pangalan ko kapag umangkla ulit sayo june. saka wala na namang umaatake sakin dito, humupa na, kaya itigil mo na to.
june: ayoko nga.
rosé: sa ating dalawa, mas makulit ka 😒
rosé: hindi na kita papakialaman. bahala ka kung gusto mong magkalat ng fake relationship status, basta hindi ako magsasalita tungkol diyan.