060

87 3 3
                                    

Epilogue

Nakahinga nang maluwag si Rosé nang hindi na siya masundan ni June dahil naipit ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niyang kapuwa sikat. Kinuha ng dalaga ang pagkakataong iyon upang dali-daling pumasok sa function hall ng hotel kung saan gaganapin ang event. Saglit niyang inikot ang paningin upang humanap ng pagtatambayan, at napili niya ang gitnang bahagi kung saan may kakaunting kumpol ng tao.

Sumandig siya sa hindi pa okupadong pub table at huminga nang malalim, tsaka niya tinanggal ang itim na sombrero at nilapag sa mesa. Nilugay niya rin ang kaniyang buhok at hinubad ang suot na denim jacket at isinampay sa kaniyang braso. Alam niyang hindi magtatagal ay makikita rin naman siya ni June, pero ginawa niya pa rin ito upang lituhin ang binata sa paghahanap sa kaniya.

Simula pa sa pintuan ng bahay ni Rosé ay nakaabang na si June para maging 'escort' ng dalaga sa event na ito, pero hindi lang siya pinansin ni Rosé at dinala ang kaniyang sariling sasakyan. Napailing nalang ang dalaga nang sabayan ng binata ang bagal ng pagmamaneho niya dahil alam niyang kaskasero ito sa daan.

White at gold ang motif ng function hall at hindi ito masakit sa mata. May kaingayan na rin dahil sa upbeat music na pinapatugtog ng DJ dagdag pa ng dumadaming tao na nag-uusap sa paligid.

Nag-offer cocktail ang dumaang kay Rosé ngunit umiling ang dalaga. She opted for a pineapple juice instead dahil bukod sa mababang alcohol tolerance, magmamaneho pa siya. Ayaw niyang makakita pa ng oportunidad si June para ihatid siya pauwi.

Nang maubos niya ang laman ng baso, natuon ang atensiyon niya sa invitation'g nakalagay sa gitna ng mesa. Nakasulat sa calligraphy ang Rising Artists at ang iba pang details ng party sa baba nito. Sumilay ang isang maliit na ngiti sa kaniyang labi.

Para sa kaniya ay ang sarap lang pakinggang napasama siya sa event na ito dahil kung tutuusin, sa loob ng malaking kuwartong iyon ay napakaraming malalaking pangalan ang imbitado. Wala naman sa goals ni Rosé ang sumikat; gusto niya lang ng tuloy-tuloy na daloy ng trabaho upang makapag-ipon at makabalik sa kolehiyo. Ngunit kahit ganon ay hindi niya pa rin mapagkakaila ang sayang nararamdaman dahil nagbunga ang kaniyang pagod.

Biglang tumigil ang upbeat music at masisiglang boses ang pumalit. Napatingin siya sa harap at nakitang nagpeplay ang videos ng mga sikat na vloggers sa malaking screen. Pinapakita ang mga GRWM videos nila sa pagpunta sa event na ito, hanggang sa ipinakita sa screen si Xahria.

Oo nga pala't sikat na vlogger si Xahria kaya't nandito siya. Ibig sabihin ay maaaring nandito rin si Eros upang alalayan siya dahil malapit na ang kabuwanan nito.

Napabuntong hininga siya. Eros. Eros na naman. Walang araw na hindi siya naalis sa isip ng dalaga dahil kahit sa mga simpleng bagay ay si Eros ang naaalala niya.

Maganda naman kasi ang naging relasyon nila kahit na sa maikling panahon kaya't hindi niya maiwasang manghinayang. Totoong walang pakialam ang dalaga kung marumihan ang pangalan niya sa mga eskandalong kinakabit sa kaniya ni Xahria pero pinili niya pa ring makipaghiwalay kay Eros dahil natatakot siyang ang pangalan nito ang madungisan.

Habang pinapanood ang vlogs sa harapan ay may nasulyapan siyang pamilyar na pigura. Pamilyar ang likod na iyon, at nakumpirma niya ang hinala nang makita ang kasama nitong babaeng buntis. As if on cue, na parang naramdaman nito ang pagkakakilala ni Rosé ay lumingon ito sa kaniya. It's him, Eros. Nakita niyang binulungan nito si Xahria na kasalukuyang walang pakialam dahil busy ito sa pakikipag-usap sa kapuwa sikat na vloggers.

Walang pag-aalinlangang nagmartsa ang binata papunta sa kaniya. Hindi naman makagalaw si Rosé dahil ano nga bang gagawin niya? Kahit pa maliit lang ang kumalat na issue nila sa mga nagdaang buwan ay gumawa pa rin ito ng ingay sa media, kaya kung may makakakita man sa kanilang dalawa at makakaalala ng issue'ng iyon ay parang balewala rin ang pagpaparaya niya.

Hello, Barista BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon