LIFE OF A [KPOP] FANGIRL

8 1 0
                                    

LIFE OF A [KPOP] FANGIRL

Madalas teenagers ang mga nagiging fan ng kpop. Kasagsagan ng 2010 ng mauso o nang magsimulang dumagsa ang mga tagahanga ng Korean pop na ito.

Way back then.. Super Junior, 2ne1, Wonder Girls, GG, BingBang, PSY, etc. ang usong-uso.

Natatandaan ko pa nung batang-bata pa 'ko.. Nakiki-"Nobody, nobody batchu!" "Eh eh eh eh eh eh 2ne1" "Fantastic baby!" "Oppa Gangnam style!" pa 'ko. Walang araw noon na hindi ko 'yan napapakinggan dahil nasa playlist iyon ni mama.

Ngayon.. ewan. Tsk. Lagi nalang ako nasisinghalan ni mama dahil sa sobrang pagka-adik ko kuno sa Kpop. Baka daw maubusan na 'ko ng dugo sa pagpupuyat, mabulag sa kaka-selpon, at mangangayat sa kakasubaybay sa mga koryanong 'yon.

Daig pa ni mama ang doctor kung tutuusin.

Madalas din niya kong kinokontrahan pagdating sa pagbili ng merchandises ng mga idolo ko.

As a 15 year old girl, wala pa 'kong trabaho. Nag-aaral palang ako, currently Grade 10 student. Suportado pa ng magulang.. at yun na nga, wala pa akong pera.

As a fan, pera talaga ang kailangan mo. Pera para sa posters, pera para sa album, pera para maka-attend ng concert, pera para makisali sa ganito ganyan na related sa idol mo.

PERA!

Tapos siyempre e-eksena si mother earth tapos sasabihin, "Alam mo? Tayo yung naghihirap tapos yung mga koryanong 'yan ang pinayayaman mo!"

Oh 'di ba?

May point naman si mama, pero maliban sa pera at internet, ano pa bang ibang way ang pwede mong gamitin para suportahan yung idolo mo?

Languyin ko mula dito hanggang korea tas gawa ako ng higanteng banner na pwede kong isabit sa namsan tower na may nakalagay na "I love KPOP"?

Kung kaya ko lang languyin, gagawin ko yon. Kaso hindi e. Kailangan mo parin ng pera pang-eroplano, at internet, para 'di ka maligaw.

Ang hirap no?

Ang hirap kapag poorita kang fan. Hanggang stream ka nalang sa youtube.. Tamang gawa lang ng fan account sa facebook, tas nood nood lang sa vlive. Minsan wala pang pang-load HAHAHAHA #palimos

Yung inaasam nating.. makakapunta tayo ng concert/fanmeetings, makukumpleto album nila, makakapunta ng korea para naman maranasang iisang hangin lang ang nilalanghap namin.. wala.

Madami tayong obstacle na kailangan harapin.

Iiiyak nalang sa pagtulog ang inggit na nararamdaman sa ibang fan na nakapunta ng con/fm, idadaan nalang sa post yung sadness na nararamdaman mo (gamit fan account siyempre, wag sa real account baka itakwil ako ng nanay ko), tapos tamang congratulations lang ang tanging maibibigay mo sa idolo mo.

Kay dami daming, i love you's, i miss you's, congratulations, at take cares ang naipost mo na sa facebook, twitter, at instagram pero ni isa don, hindi pa nila na-notice.

Life of a fangirl is not easy. Sa punto ng buhay na ito darating yung magiging keyboard warrior ka dahil sa kagustuhan mong sumali sa fanwars na sa facebook lang naman nagaganap.

Tapang tapangan sa facebook, feeling may narating na fan pero poorita lang naman like me.

Isa pa yung magsa-struggle ka sa youtube pag walang subtitle yung uploaded video, yung tipong sa tawa nalang nila ko nakakarelate. Pero dito rin darating yung magiging interesado ka sa lenggwahe nila, tipong magdadownload ka ng korean keyboard para maranasang magtype ng "안녕하세요", "사랑해요" chuchu.

Magiging interested ka narin sa kultura nila tipong 'di ka naman mahilig sa maanghang pero kulang nalang tumae ka ng apoy maki-uso lang sa spicy noodle challenge.

Tas magpoprofile picture ka ng para kang sinubsob sa harina + yung bangs mong ikaw lang ang nagupit tapos with cute effect pa magmukha lang koryana. Thanks to SNOW.

Mga tipong ganon?

Wala e fan tayo, ganon talaga. May sinusuportahan tayo, may pinaglalaban tayo, may inspirasyon tayo.

As a fangirl, we need to be strong, we need to be cooperative, we need to stand up like a warrior and we need to be TRUE.

Kung magpapakatotoo tayo, lahat ng wishes natin magkakatotoo, lahat ng inaasam-asam natin, makakamit natin.

We just have to keep living our dreams. Sa tingin niyo bakit naging idol ang mga idol natin? Yun ay dahil binuhay nila ang pangarap nila. We, as a fan. Ganon din ang dapat natin gawin, wag tayong sumuko hanggang sa makita na natin mga pangarap natin!

——————
Sorry if it was so long.
Pero naka-relate ba kayo?
If yes, please leave a vote/comment.
Thank you!
Hwaiting!

LIFE OF A [KPOP] FANGIRLWhere stories live. Discover now