CHAPTER 4Nica
Lord naaalala mo pa ba nung pinagdadasal ko sa 'yo noon nasa makapunta ako ng concert? Yung sana makita ko yung bias ko o kahit ma-hug man lang siya? Pero Lord, nais kong kalimutan mo muna 'yon dahil ang tanging pinagdarasal ko lamang ngayon ay ang kalagayan ng kapatid ko.
Iligtas niyo po si Caleb Lord, pahabain niyo pa po ang buhay niya, 9 years palang siyang namamalagi dito sa mundong tinatapakan namin kaya bigyan niyo po siya ng pangalawang buhay Lord.
Promise po, kapag ligtas si Caleb, hinding hindi na 'ko magpapasaway, lilimatahin ko na ang sarili ko sa paggamit ng phone, saka susunod narin ako kay mama lagi Lord, saka most especially titigil ko na po pagiging adik sa kpo—
"Stable naman po ang lagay ng anak niyo ma'am, medyo nagkaron lang ng kaunting galos at sugat sa katawan pero, dala rin po siguro ng tensyon kaya siya nahimatay."
Ay Lord, joke lang. Binabawi ko po lahat ng sinabi ko. Ayos na po pala si Caleb. Hehe.
Otomatiko akong napatayo sa kinauupuan ko ng marinig ang nurse na nagsalita, buti na lamang at magandang balita ang inihatid niya sa 'min.
Napabuntong hininga kaming tatlo nila mama at papa dahil sa ayos lang ang lagay ni Caleb. Kahit isumpa sumpa ko yung kapatid ko, kahit palo-paluin yan ni mama, at kahit pagalitan yan ni papa dahil kinukulit manok niya ay mahal na mahal parin namin siya.
"Pwede po ba namin siyang makita?" Tanong ni mama dun sa nurse at tumango naman ito. Ang pogi niya. Dapat hindi 'to nagnurse eh, mas papatok 'to sa pagiging model. Pero duh, hindi 'to marupok! Kay Felix lang ako! ..at kay Christian. cheret!
Nagtungo kaming tatlo sa kwartong siyang kinaroroonan ni Caleb. Pagkarating na pagkarating namin don ay..
"ATE KASI!" Bigla niyang sigaw. Lokong bata, hindi pa nga maayos ang kundisyon eh nagagawa pakong singhalan!
"Ano?!" Sigaw ko naman pabalik sakanya. Mas matanda siya sa 'kin, he doesn't have the right to shout on me. Oh taray diba? English, duh basic pa lang 'yan!
"Magtigil nga kayo, kitang nasa ospital na't lahat lahat nagaaway parin kayo na parang aso't pusa!" Saway naman samin ni mama habang hawka ni papa ang balikat niya. Yung parang mga nakikita niyo sa teleserye. Lol.
"Eh kasi naman kung hindi dahil kay ate hindi ako maoospital! Ma ayoko dito! Uwi na tayo!"
Aba't ako pa talaga ang sinisi! Ayos!
"Bakit ako! Kitang ang layo layo ko sa 'yo ako pa talaga sinisi mo!" Sigaw ko ulit sakanya.
"Eh pano naman kasi, kung hindi ko nakita dun sa may labas ng pagupitan ng buhok ni Kuya Beki yung mukha nung koryanong mukhang pigsa, edi di ako masasagasaan!" Singhal niya. Halata rin sa mukha niya na iiyak na siya.
"Bakit mo naman kasi tiningnan? Ano naiinggit ka?" Tawang tawa ako sa dahilan niya pero pinipilit ko lang ito.
"Hindi ah! Panget panget non! Pano kasi ma, tatawid na dapat ako, nasa may gilid nako ng kalsada, tapos lumingon po ako ma tapos po ano, nakita ko yung pagupitan na may koryanong picture sa pinto, tapos biglang may dumaan na tricycle, nasagasaan ako!" Paliwanag niya kay mama, at nakahawak pa ito sa braso ng mama namin habang masama ang tingin sa 'kin.
"Alam mo Caleb, natural lang na may mga koryano sa mga pagupitan ng buhok, kasi dun nil—"
Magpapaliwanag sana ako kaso pinutol ako ni mama.
"Hindi! Tama na ang away niyo, ang dapat na gawin niyo ay manahimik! At ikaw Veronica!", duro sa 'kin ni mama at deretso naman akong napatingin sakanya, "Tigiltigilan mo na kaka-kepap, tingnan mo nangyayari sa kapatid mo!"
Hala! Bakit ako? Bakit yung KPOP? Kasalanan ko pa?!
"Makita lang kitang nababaliw sa kepap na 'yan at nagbibibili ng kung ano ano, tingnan natin!" Halata sa mukha ni mama na seryoso siya. Hindi ko rin mapagkakaila na totoo namang dahil sa conciousness sa kpop ng kapatid ko ay naaksidente siya.
Pero mali naman sigurong isisi nila sa 'kin 'yon! Ginagawa ko lang kung anong ikasasaya ko at mahal na mahal ko yung kpop!
"Mama naman!" Singhal ko. Hindi pwede noh!
"Magtigil na kayo, imbis na magdasal na sana makalabas sa ospital agad agad itong si Caleb ay nagaaway kayo!" Nagalit na tuloy si papa.
"Basta tandaan mo lahat ng sinabi ko Veronica. Pag nahuli kitang may koreanong kaharap sa cellphone o kung ano man yan. Humanda ka talaga sa 'kin."
Katapusan ko na yata ngayong mga bes. Samahan niyo kong harapin ang impyerno at ang mga naglalagablab na pagsubok doon huhu.
Felix ito na ba ang huling araw na makikita kita?
—To be continued..