CHAPTER 1Click do'n, click dito. Scroll don scroll dito. Ang sarap talaga kapag kamay mo lang nagtatrabaho.
"Haaaays." Ang sarap! Tamang hilata lang sa sofa habang naka-on yung TV namin na si papa lang ang nanonood. Tapos ako hehe siyempre alam na.
"Anong hays?! Tumayo ka nga diyan at tulungan mo 'kong asikasuhin 'tong bagong pinamili ko! Buhay prinsesa ka talaga kahit kailan!"
Napapikit ako ng mariin ng marinig ang nanininghal na boses ni mama mula sa kusina.
Ano ba yan! Kakasimula ko palang mag-cellphone ih!
"Mama, mamaya na!" Pagiinarte ko. Kitang busy pa 'ko manood ng Rock Street Version ng Stray Kids eh.
"Tigil-tigilan mo 'ko sa mamaya mo Veronica! May oras para jan, tulungan mo 'ko dito!"
Kailangan talaga Veronica? Di ba pwedeng Nica nalang?
At the end wala naman akong magagawa. Masikip man sa dibdib na sundin ang utos ni mader pero gagawin ko na. Napakamot ako ng marahan sa ulo ko, sabay "Tsk."
"Wag mo 'kong nirereklamuhan jan! Ayos ka a—"
"Ano ba yan! Ang ingay nanonood ako e." Biglang putol ni papa kay mama. Haha buti nga.
Busy kasi sa panonood si papa ng basketball. Eh ang ingay ni mama.
Maya-maya habang inilalagay ang petchay sa loob ng ref, nagtaka ako ba't ako lang tumutulong.
"Nasan na ba si Caleb ma? Patulungin mo nga yun!" Sabi ko kay mama. Si Caleb yung bunso kong kapatid na asungot sa buhay ko.
"Nandon inutusan ko bumili ng patis. Nawala kasi sa isip ko kaninamg bumili nung nasa palengke tayo."
May silbi rin pala yung kapatid ko.
Matapos kong mailagay lahat ng gulay sa loob ng ref sakto namang naramdaman ko ang cellphone ko sa may bulsa ko na nag-vibrate.
"Ma! Tapos ko na ilagay yung mga gulay! Oh tapos na 'ko ma ah!"
Derederetso ako sa sofa nang di man lang nililingon si mama. BAKA NAG-LIVE NA YUNG STRAYKIDS!
Dinukot ko mula sa bulsa ko yung phone at OO MGA PAKSHET NAGNOTIF SI VLIVE!
"Hoy anong tapos na! Tanggalan mo ng hasang 'tong galunggong dito!"
"MAMA NAMAN!"
Bwisit na galunggong yan!
———————
A few moments later, tapos ko na lahat ng pinagagawa ni mader. Ni hindi ko na nasubaybayan yung live ng stray kids dahil pinakilos ako ni mama hanggang sa mananghalian na kami at nang makapaghugas na 'ko ng plato.
Si mama naman kasi!
Nandito ako ngayon sa kwarto ko— I mean kwarto namin ni Caleb. Si mama naman kasi pinalipat dito si Caleb kasi ang likot likot daw matulog pag katabi nila. Saka malaki naman daw space dito sa kwarto ko.
Eh salamat sa Diyos at binilhan nila si Caleb ng sariling kama at nang sa gayon ay bukod kami saka baka magbugbugan lang kami niyan sa gitna ng madaling araw.
Dinahilan ko kay mama na matutulog ako ng tanghali kasi medjo maaga ako nagising kanina para samahan siya mamalengke, so ayun nakalusot naman.
Time for FANGIRLING! yey!
Charger? Check!
Load? Check!
Phone? Check!
Puso ko? Check na check!