CHAPTER 3Mahigit dalawang oras kaming nasa 7/11 nakaupo at walang binili kanina. At ngayon kasama ko parin si Ericka at naglalakad kami ngayon papunta sakanila.
Ininvite niya 'kong pumunta at sabi niya dun na daw ako maghapunan. Nakakahiya naman daw kasi inaya niya kong lumabas pero wala naman kaming ginawa at binili.
Buti nalang konsesyahin ang kaibigan ko. Hehe. Saka nagpaalam naman ako kay mama. Kilala niya naman si Ericka, actually kilalang kilala niya nga kulang nalang ay kila Ericka niya nalang ako patirahin.
Hanggang ngayon ay sariwa parin sa utak ko ang nalaman ko kanina. 'Di ko akalain na may gusto din pala sa 'kin si Christian. Sabi din sa 'kin ni Ericka na simula grade 6 kami ay napapansin na daw ako ni Christian at parati daw nitong binabanggit ang pangalan ko sakanya.
Ihhhh! Ang ganda ganda ko!
"Pero naiisip mo ba bes, kung sakaling ligawan ka ng bias mo— ni Felix rather.. uy if ever lang ah? Sino pipiliin mo? Si Christian o si Felix?"
Natigilan ako sa tanong ni Ericka. Oo nga noh? Sino nga ba? Si Felix na maputi, koryano, talented, at higit sa lahat IDOL o si Christian na crush ko lang naman mula nung elementary.
"Uy bilis sagot!" Nagulat ako nang biglang hampasin ng kaibigan ko yung braso ko ng pagkalakas lakas.
"Aray ko! Piste ka, inaano ka ba?!" Sigaw ko sakanya, at nag-peace sign lang siya. "So thank you for that wonderful question—"
"Arte mo maganda ka ba? Layo ng mukha mo sa pagiging beauty queen teh wag ka maginarte jan." Kung pwede lang isumpa yung kaibigan kong kasumpa sumpa ay matagal ko nang ginawa.
"Wow! Nagsalita ang mukhang lupa!" Sigaw ko sakanya. Hindi na 'ko nahihiyang sumigaw tutal wala naman na masyadong tao, alas sais y medya na kasi at nasa loob kami ng subdivision.
"Hoy! FYI, pinsan ko ang crush mo! Gandang lalaki ang pinsan ko! At nananalaytay sa dugo namin ang pagiging maganda at pogi!" Sigaw niya naman pabalik sa 'kin, "Oh sagutin mo na tanong ko."
"Hmm, siguro si.." Sino nga ba kasi?! Sa tingin niyo sino? Para sa 'kin kasi kung kaya ko silang pagsabayin edi pagsasabayin ko, "Silang dalawa." Tugon ko.
"Kapokpokan mo ah? Isa lang! Wag kang makati." Grabe harsh naman magsalita, kaibigan ko ba 'to?
"Ih hindi ko alam! Basta kung sino yung ibigay sa 'kin ni Lord siya na 'yun!"
"Hoy mga pa-walk!" Agad kaming napalingon sa direksyon na pinanggagalingan ng boses na 'yun. Parang familiar yung boses.
Sa may talahiban nanggaling yung boses kaya pareho kaming lumapit dun ni Ericka.
"Sino 'yun? Parang kilala ko yung boses." Tanong ni Ericka.
"Malamang kilala niyo, ako lang naman ang pinakamayaman sa balat ng lupa na kakilala niyo." Napatalon kami sa gulat ng biglang may bumangon na hayop na nagbabalat-tao sa likod ng mga talahiban.
Muntik nang malaglag puso ko sa gulat, at ganun din siguro si Ericka. Para akong nakakita ng actual na aswang na napapanuod ko sa tv.
"Anong ginagawa mo jan?!" Pasigaw na tanong ni Ericka sakanya.
"Tumilapon dito yung mamahalin kong keychain na chanel, pinulot ko lang. Kahit mayaman ako, hindi ko ugaling mag sayang ng mga bagay." Paliwanag ng tiktik sa harap namin— I mean paliwanag ni Adora.
Si Adora lang naman yung kilalang rich kid sa school namin. As in, branded lahat ng gamit niya yung iba ay galing pa sa ibang bansa, at kitang kita sa mga suot at dala niya na high quality ito, except sa mukha niya na mukhang napagiwanan.