Chapter 2

10 1 0
                                    


CHAPTER 2

"BES!!" Talon kami ng talon ni Ericka habang magkahawak yung kamay namin. Nandito kami ngayon sa labas ng 7/11 at kakarating niya lang kaya talon pa kami ng talon.

"Sa september na yunnnn!" Sigaw niya habang tumatalon parin kami, medyo nahihiya nako kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kaya pinakalma ko muna siya.

"Bes!! Huhuhu. Pano ko makikita yung babylabs kong si Hyunjin?!" Sigaw niya ulit.

"Ssh. Ssh. Tahan na." Sabi ko sakanya at agad naman siyang tumigil pero gusot parin ang mukha. "Hanap muna tayo ng upuan, teka- gusto mo ice cream?" Tanong ko sakanya.

"Bakit libre mo?"

"Hindi."

"Oh edi hindi." Walangya siya. Ako dapat ang magpapalibre pero bakit ako ang nagtanong. "Chikahan nalang tayo." Utal niya at tuluyan na kaming umupo sa nahanap naming pwesto. Nasa may bandang glass wall kami nakapwesto, kitang kita namin kung anong galaw sa labas ng 7/11.

"Paano na yan? Ito na dapat yung pagkakataon na makikita natin sila. Pero mukhang imposible pa." Malungkot na sabi ni Ericka kaya napangiwi ako at nakaramdam din ako ng lungkot.

"Imbis na masisilayan ko na yung kagwapuhan ng asawa kong si Felix, mukhang magiging alanganin pa yata." Sabi ko naman sakanya pero pinanlakihan niya ko ng mata wari'y gulat na gulat siya.

"Ah oo nga pala!" palakpak niya, "Nagchat sa 'kin kagabi si Christian, sabi niya.."

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang pangalan na 'yon. Si Christian yung ultimate crush ko simula elementary at hanggang ngayon.. kahit adik na adik at baliw na baliw na 'ko sa KPOP, hindi parin ako nakaka-move on sakanya.

"Yieeee!" Panunukso ni Ericka sa 'kin sabay sundot sa tagiliran ko. Bwisit na babae 'to!

"Ano ba! Oh tapos ano sabi sa 'yo?" Siyempre kunwari hindi ako affected, kunwari wala akong paki, pero deep inside excited na 'kong malaman kung ano sinabi sakanya.

Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako nagseselos na si Ericka lang chinachat ni Christian at hindi ako, yun ay dahil..

MAGPINSAN SILA!

"Ayun na nga, speaking of the word "asawa".. eh diba nagbakasyon sila sa Zambalez? Uuwi na sila bukas. Tapos ang sabi niya sakin.."

"Ano ba pabitin ka! Sabihin mo na kasi!" Atat na ata na butchi ko dito mga fren.

"Sabi niya papakilala niya na sakin yung girlfriend niya na gusto niyang maging asawa balang araw."

Medyo nabingi ako sa sinabi ni Ericka kaya di ako nakapag-react agad at ang tanging nalabas na lamang ng bibig ko ay ang salitang, "Ah ganon?"

Si Christian may girlfriend na? Akala ko pa naman may pagasa ako, akala ko kami ang para sa isa't isa kasi lagi kaming nagkakatinginan sa school..

Akala ko..

"Huy joke lang! HAHAHAHAHA! Hindi talaga yun yung sinabi niya! Naniwala ka dun? HAHAHA." Tawa ng tawa yung damuho kong kaibigan sa harapan ko.

Para na 'kong pinagsukluban ng langit at lupa dahil dun tapos siya tatawa tawa lang? How dare she?!

Teka ano? Biro lang? Hindi totoo?

"Ako ba eh pinaglololoko mo?" Tanong ko sakanya, seryoso yung tono ng boses ko.

"Malamang, kaya nga biro eh." Napapikit nalang ako ng mariin, medyo napipikon na 'ko. Siya sobrang saya niya samantalang ako, nasaktan dahil sa biro niya!

"Ganito kasi yan.. So nagchat nga siya kagabi sa 'kin sabi niya pauwi na sila tapos di ko inaasahang sasabihin niya 'to bes!"

Tinapat niya sa 'kin yung screen ng phone niya, at nakita ko yung screenshot ng convo nila ni Christian.

Agad kong inagaw sakanya yung phone niya at tiningnan itong maigi.

Omygod..

Ericka:
Pasalubong namin ah, sabihin mo kay tita!

Christian:
Hahaha sige. Excited na 'kong makita ulit asawa ko.

Ericka:
Hala cous'! Sino 'yan! Sumisikreto ka na ah!

Christian:
Sino pa ba? Parang di mo naman kilala.

Ericka:
Hindi naman talaga! May sinasabi ka ba? Sino  'yan at nang makilatis ko!

Christian:
Bestfriend mo. Si Nica.

Naramdaman ko na lamang yung pagalog ng sarili ko. Niyuyugyog pala ko ni Ericka.

"Ayos pa ba puso mo?" Mahinahong tanong sa 'kin ni Ericka.

Sinusubukan ko pang ikondisyon yung sarili ko sa nalaman ko.

"Totoo ba 'yon? Hindi 'yon edited?" Tanong ko sa kaibigan habang nakatulala sa kawalan.

"Mukha ba 'kong nagloloko? Yiee." Sundot niya sa tagiliran ko dahilan para deretso akong napatingin sakanya.

Itong babaeng ito. Mahalaga siya sa 'kin. Napakabait niya at hulog siya ng langit. Maswerte akong naging kaibigan ko siya pero hanggang dito nalang kami.

"Bes, tigil na natin pagkakaibigan natin.." Seryosong sabi ko sakanya at di ko inaasahang seseryosohin niya nga yun.

"Ha anong nangyayari sa 'yo? Hindi nga kita jino-joke time bes! Totoo yan!"

"Kahit na, friendship over na tayo.." Seryoso parin ang boses ko at halata na sa mukha niya ang pagaalala.

"Bes bakit?"

"DAHIL COUSIN-IN-LAW NA KITA!!!! OMYGOD BES! IS THIS REAL?! AAAAH OMG!" Wala akong paki-alam kung pagtinginan ako ng tao, ang mahalaga lang sakin ngayon ay si Christian.

"Bwiset ka! Kala ko talaga ayaw mo na 'ko maging kaibigan!" Tinarayan niya ko at niyakap ko naman siya.

"Kasi nga.. cousin-in-law na kita. Asawa ko na mismo nagsabi." Bungisngis kong sambit at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ah ganon?" Tumango ako, "Dahil jan, asawa ko na si Felix at sa 'yo na si Christian. Payag ka?" At binigyan niya ko ng nakakalokong ngiti.

"Oh sige. Basta payag karing ilibing kita ng buhay. Hehe."

To be continued..

LIFE OF A [KPOP] FANGIRLWhere stories live. Discover now