Prologue

13.2K 117 46
                                    


"Antoinette, sure ka ba dito sa lugar na 'to?" Nahihiyang sabi ni Yvonne sa kaibigan.

"Ito nga. Nakakainis ka na eh. Paulit-ulit." Reklamo naman ng isang babaeng may kaliitan.

"Kasi naman..." Maktol pa nito na hindi na mapalagay sa kinatatayuan.

"Kasi naman..." Panggagaya ni Antoinette sa dalaga. "Paano kasi, ang stalker. Nalamang porn star ang crush, gusto na din mag porn star." Sermon nito na kinayuko naman ng isa.

"Alam mo namang..."

"Oo na. Alam ko ding kailangan mo ng pera para sa pag-aaral mo at pangpagamot sa inang mo. May nakita kang flyers na naghahanap sila ng bago, at nakita mo din doon ang crush mo. So, it's hitting two bird with one stone, ano?" Pambabara pa ng kaibigan niya.

"Antoinette naman eh."

"Yvonne naman kasi, pwede naman kitang bigyan ng pera or ng trabaho pag gusto mo. Pero bakit ito ang pinili mo? May alam ka ba dito?" Panenermo na naman nito.

Napakagat naman ng kanyang pang-ibabang labi si Yvonne bago sumagot, dahil kahit din siya ay hindi alam ang kanyang pinapasok. "Gusto na 'to subukan dati. At nabasa ko, pwede naman ako pumili kung sino ang gusto ko. Pag-ayaw ko ang patakaran, aalis agad ako. Hindi ako gagawa ng kontrata. Isa lang bawat isang gagawin." Pangako pa nito sa kaibigan.

Napahinga naman ito ng malalim bago tumango. Totoo naman kasi, bata pa lang ito gusto na daw niya mag porn star sa hindi malamang dahilan. Hindi naman kasi pangarap ang pagiging porn star. Pero dahil na rin ata sa crush niya, na isa ding babae, ay nakapagpasya itong gawin ang ganitong bagay.

Nang makapag-isip si Antoinette, hinila niya na agad si Yvonne. Pumasok agad sila para makapagtanong, pero bago nangyari iyon. "Naku miss, ikaw ba ang papasok? Mukhang imposible 'yon." Panlalait pa ng isang babae na nasa kanilang harapan ang bumugad sa kanila.

"Hindi ako. Siya!" Sabay turo nito kay Yvonne na matangkad. "At kung sakali mang sumali ako. Ay miss, baka mas marami pa akong fans kaysa sayo." May pag-uuyam na sabi ni Antoinette na nagpaismid sa kausap.

Natawa naman si Yvonne dahil talagang palaban ang kaibigan. "Ako nga miss. Saan kami pwede mag inquire?" Tanong ni Yvonne.

Napatanga naman ang babae. Simple lang ang suot ni Yvonne. Sa puting t-shirt at sa butas-butas nitong pantalon, pinarisan niya ng itim na rubber shoes, lumalabas ang kanyang malakas na datingan.

"Si-sigurado ka? Hindi ka beauty queen?" Nauutal na tanong ng babae.

"Oo nga bes. Mag beauty queen ka na lang, mas malaki pera doon." Pangguguyo pa ng kaibigan niya.

"Antoinette naman." Baling ni Yvonne sa kanya.

"Tsk!" Palatak nito. "Oo na. 'Di na magbabago pa ang isip mo." Sabi ni Antoinette at hinarap na naman ang babaeng nakatanga kay Yvonne. "Ano? Saan kami pupunta? Wag-"

Hindi na natuloy pa ni Antoinette ang sasabihin ng may sumabat.

"Oh-la-la." Bungad nito na pakanta. "Ano ang meron tayo dito? Hmmm?" At mapanuring tiningnan si Yvonne. Napataas naman ang kilay ni Antoinette dahil nainis niya sa pagputol sa kanya ng bakla. Habang si Yvonne ay ngumiti ng alanganin, at ang babae ay napayuko bilang paggalang.

"Madam, mag-a-apply daw po sila." Sabi ng babaeng kausap lang nila Yvonne.

"I see. Ako na ang bahala sa kanila, Candice. Sa ngayon, gawin mo ang dapat gawin." Tumango naman ang babae at umalis. "At kayong dalawa, sumunod kayo sa akin." Sabi ng bakla at nauna nang maglakad.

I Want MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon