A/N: I can't connect with youtube. Kaya pagpasensyahan na. Kayo na lang search ng songs."Love."
"Yes?"
"Are you happy?"
Sa tanong iyon ng kasama ko, napalingon ako sa kanya. "Anong klaseng tanong 'yan?" Natatawa kong tanong.
"Dahil kinuha ko ang pangarap mo sayo. Wala ka ng normal na buhay. Hindi ka na malaya tulad ng dati." Nakayuko nitong sabi. "Ninakaw kita sa dapat na kapalaran mo."
"No, Suzanne, love. Sa totoo nga niyan, binuhay mo nga ako eh. You gave me reason to smile and live again. And I'm thankful na dumating ka sa buhay ko." At hinawakan ko ang kanyang mukha para ipakita kung gaano ako kaseryoso sa kaya. "I love you. At kahit bumalik man ng panahon, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko. Ikaw ang nagbibigay ng ligaya sa akin kaysa sa trabaho na hindi naman na ako masaya. Kaysa sa parangal na makukuha ko, na ikakaguho naman ng mundo ko. Ikaw sa lahat, wala ng iba. Kaya naman huwag ka mag-isip ng kung ano pa man. Cause, you are my happiness, Suzanne. You are my world... my life." I finished as a smile plaster on my lips.
"Sorry." Nasabi niya lang.
"Don't be." And I connected the space between our lips. "Let's start our future and and with the future, let's start with our home."
"Sure." Nakangising sagot ni Suzanne bago niya ako hinalikan. "I love you."
"I love you too."
At sabay na kaming naglakad papasok ng bahay habang may bitbit na mga pinamili. Nagtatawanan na lang kami sa mga corny jokes niya at masaya ako dahil kasama ko siya. Alam kong makikita 'yon sa mga mata ko.
Pinili naming mamuhay sa isang isla pagkatapos ng trahedya. Akala ko nga hindi na kami makakaligtas, meron pala doon lagusan sa bandang hagdan papunta kung saan nakatago ang pera. Advance ang bahay na iyon, kaya nasafe ang pera at kami.
At bakit dito sa isla? Sagana naman sa pananim ang buong isla kaya hindi kami magugutom. Pero kung may kailangan talaga na gamit na hindi makikita sa isla, sasakay ka lang sa de-motor na bangka para bumili sa malapit na syudad.
May pumupunta din naman sa bahay para maglinis at gawin ang gawaing bahay. Isa siyang buong pamilya na dati ng katiwala dito, nakatira ang mga ito malapit sa dagat---kung nasaan ang pampang. Doon na din sila nag-aalaga ng mga hayop.
Sa buong isla ay sagana sa prutas, gulay, at palay. Pag-anihan na, doon lang sila nagpapatawag ng magtatrabaho mula sa kabilang isla o lugar.
May maliliit din na instraktura, tulad ng gilingan ng palay para maging bigas ito, yung nagrerepack para maibenta ng maayos ang mga produkto. Na siya namang dinadala ng mag-asawa sa kabilang syudad.
Isang taon na kami dito, at sa awa ng diyos, maayos ang aming kalagayan at masaya kaming namumuhay.
Malaki itong isla, kaya naman napagpasyahan naming bilhin. Malayo din kami sa mga taong maaaring makakilala sa amin, kaya alam naming ligtas kami.
Isang malaking bahay ay nakatayo sa gitna ng isla. May talon at kagubatan sa paligid na siyang gusto naming dalawa, lalo na sa umaga. Napakasarap ng simoy ng hangin at napakatahimik sa ingay ng mundo.
Hindi din mahirap sa amin ang bumyahe dahil pinasadya talaga namin ang daan. Bumili kami ng matibay na sasakyan para aming magamit sa malubak na kalsada. Dumagdag din kami ng daungan at ilang bangka para may magamit.

BINABASA MO ANG
I Want More
RandomDuty or love? Gun or rose? Metal bars or tight rope? Ano ang pipiliin mo?