Ilang araw ng nakalipas simula ng nangyaring ang halikang kanilang pinagsaluhan. Pero hanggang ngayon, hindi niya parin makalimutan ang tagpong iyon.
It's like, she still kissing the warm and tasty lips of Lovely. Hindi niya ito maalis sa kanyang isipan. Paulit-ulit niya itong naaalala, mula sa paggising sa umaga hanggang sa pagpikit niya na sa gabi. Kahit nga sa panaginip ay kasama niya parin ito.
"Yvo, alis tayo." Nakapangalumbabang aya ni Antoinette. Kararating lang nito at siya na naman ang inabala. Nagulat pa siya ng biglang nagsalita ito, pero hindi niya pinahalata.
"Saan naman?" Walang ganang sabi ni Yvonne.
Mga ilang minuto pa lang siyang nakakarating, mga alas onse na rin ng gabi, kaya tulog na ang kanyang ina. Habang siya ay dilat pa dahil nandito ang kanyang kaibigan.
"Wala ka naman trabaho bukas, diba?"
"Wala naman. Bakit?" Nahihiwagaang tanong ni Yvonne.
Parang nagliwanag naman ang mga mata ni Antoinette. Na siguradong may naisip na naman na kung ano.
Tumayo ito at pumunta sa damitan ni Yvonne. Nagtataka man, hinayaan niya ito dahil alam niyang hindi naman ito mapipigilan.
Halungkat doon, halungkat dito ang ginawa ni Antoinette. Hanggang may nahanap siyang isang short short na halos lumuwa na ang kanyang pang-upo and a white fitted blouse.
"Wear this." Excited na nakangiti si Antoinette sa kanya.
Napahing na lang ng malalim si Yvonne at sinunod ang gusto ng kaibigan. At dahil kakatapos niya lang din naman maglinis ng katawan, kumuha nalang siya ng underwear na babagay sa susuotin niya.
Walang pasakalye pa, hinubad niya ang maluwag na damit na suot kasunod ang panty. Hindi alintana na nakatitig sa kanya si Antoinette. Isa na itong natural na bagay na ginagawa nila, at wala namang ilangang nagaganap.
Mabilis siyang nag-ayos. Nagbihis, naglagay ng kolorete sa mukha, at kung ano pa. Bitbit na din ang maliit na bag na may lamang wallet at cellphone, lumabas na sila ng maliit nilang bahay.
Hindi na nagpaalam pa si Yvonne sa ina, dahil alam naman niyang pahinga niya na ito at papayagan din naman siya. Pero bago siya lumabas, sinilip niya muna ang ina at siniguradong sirado ang lahat.
Sa labas ng maliit nilang bahay, nandoon nakaabang ang sasakyan ni Antoinette. Kulay itim ito at halatang sasakyan ng mayaman sa kinang palang nito. Hindi man siya laki sa yaman pero hindi naman siya pinalaki ng ina na mahinggit. Dapat matuto kang pagkayuran ang bagay na gusto mo.
Ang mama niya ay isang tindera ng isang maliit na tindahan. Simula pagkabata ay iyon na ang bubuhay sa kanila, at nakakakain naman sila kaya hindi na umalis pa ang kanyang ina doon. Nabubuhay sila, kaya maayos naman.
Pag katapat nila doon, sumakay agad sila habang si Antoinette ay akala mo sinisilaban na ang puwet.
Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Walang kaalam-alam si Yvonne kung saan ang kanilang punta, basta sumusunod lang siya kay Antoinette.
Ilang sandali pa, ng mabilis na pagmamaniho, dumating sila sa isang lugar na merong umiilaw sa labas, Haven ang pangalan. May malaking lalaki na nakaabang sa labas.
"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ni Yvonne.
"Just watch and learn." Kindat pa na sabi ni Antoinette bago ito unang lumabas. Napailing na lang si Yvonne at sumunod sa kaibigan.
Medyo kinabahan pa siya na pumasok. Pero ng makaupo na siya kasama ng iba pang kaibigan ni Antoinette na halos hindi niya naman kilala, napatawa na din siya at nakipag-inoman.

BINABASA MO ANG
I Want More
De TodoDuty or love? Gun or rose? Metal bars or tight rope? Ano ang pipiliin mo?