"Come in." Mahinahon ng sabi ni Suzanne.
Dahan-dahan na pumasok si Yvonne. Kinakabahan sa maaring mangyari sa kanya sa loob ng nakakatakot na silid.
Dahil sa loob, bag-bag ng pera ang nakatago, may kahon-kahong druga, dekalibreng armas, at vault na hindi alam kung ano ang laman na nasa likod ng mesa.
Sunod-sunod na pag lock ng pinto ang nagpabalik sa balisang isipan ni Yvonne.
"A-ano to Suzanne?" Kinakabahang tanong ni Yvonne.
"This is the real me, love." And she paused for a while, directly staring on Yvonne's eyes. "I'm a drug lord, smuggler, a thief, a mastermind on human trafficking, and many more; you name it, I did it all. Is short, I'm a bad person Yvonne. I'm a criminal." Amin ni Suzanne.
Nagulat si Yvonne sa inamin ni Suzanne. Hindi niya na isip na ito ang totoong negosyo nito. Buka lang ng buka ang kanyang bibig pero walang lumabalas na salita dahil hindi niya naman alam ang sasabihin.
"Hindi pa 'yan." Nag-umpisang maglakad si Suzanne sa lamesa at doon ay merong baso at wine. Nagsalin siya ng alak, pagkatapos ay tinitigan niya ito habang hawak ang baso bago siya nilingon ang dalagang tulala parin sa kanya. "I'm a killer, Love." Nakangisi niya pang sabi bago tinungga ang alak.
"S-suzanne..." Nauutal na sabi ni Yvonne.
Litong-lito na siya ngayon.
Hindi niya alam na aabot sa ganito. Na magkakaroon siya ng nararamdaman sa taong ganito ang gawain. Hindi niya naisip na ganoon kadami ang nagawang kasalanan ng dalaga.
"That's not all. What you heard a while ago were true. I'm a sex addict. I do sex for a living to satisfy my needs, pero wala ding silbi kaya aalis na ako. Until I met you." Lumapit si Suzanne sa kanya ng dahan-dahan, sa harap nito siya ay tumigil. "And I knew, you saw and heard when I killed that guy. Yes, ginawa ko yun to see if kaya ko pa. Pero hindi na eh. Ikaw na ang hinahanap-hanap ng aking katawan, my gorgeous Yvonne." Sabi ni Suzanne habang hawak-hawak ang baba ng dalaga.
"Suzanne," yan na lang ang nasasabi ng nahihiwagaang dalaga. Bakas sa mata ni Suzanne ang kakaibang kislap, kislap na nagpapahiwatig kung gaano niya kagusto si Yvonne; in other words, obsession.
"I started to know you more. At sa bawat araw na dumadaan, minahal kita Yvonne. I want to know you more... I want more." Sa pag-amin na 'yon ni Suzanne, mas nagpagulo sa isipan ni Yvonne.
Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa simpleng haplos lang na binigay sa kanya ni Suzanne. Excited na siya na hindi niya alam.
Ibang-iba ito sa lahat ng kanyang nararamdaman.
"And another one, here." At inabot niya rito ang cellphone na kanyang hinahanap, nakangiti ito pero may pait sa mga mata. "Call your co-worker slash mother. I-I'm willing go in jail for you." Her last word, brought tears to her eyes.
Kaya naman dali-dali niyang pinahid ang luha na iyon. Ayaw niyang ipakita kay Yvonne na nasasaktan siya. Gusto niyang ipaalam kay Yvonne na gagawin niya ang lahat para dito. Kahit ang kapalit ay ang pagdurusa sa piitan.
"W-what do you mean?" Kinakabahang tamong ni Yvonne.
"I know that you are an undercover." At doon na nagbago ang mukha ni Yvonne. Ang kaninang naguguluhan pa ay napalitan ng seryosong tingin at boses.
"So, all this time ay alam mo na?" Seryoso niyang tanong.
"Last week lang, kaya sinulit ko ang araw na makasama ka." Nakangiting sabi ni Suzanne na naupo na sa nandoong upuan. "Gusto kong maalala ang mga ngiti mo, kaysa sa pagkamuhi mo. At kaya ko 'to gagawin dahil sayo, para maiayos ko lahat para sayo. Dahil sa bawat araw na nakilala kita, binabago mo ako. Hindi mo napapansin na hindi ka na nagpapanggap pa kung minsan, kaya doon ako mas na in love sayo---nakilala kita kung ano ka." Napahinga ng malalim si Suzanne at napatingala para pigilan ang mga luhang gustong kumawala. "At isa pa, ganoon ata talaga ang pag-ibig. Gagawin mo ang alam mong tama. At ito ang tama, Lieutenant Yvonne Alcantara, dahil mahal kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/186350679-288-k705986.jpg)
BINABASA MO ANG
I Want More
AcakDuty or love? Gun or rose? Metal bars or tight rope? Ano ang pipiliin mo?