Pagkabagot...
'Yan ang naramdaman ni Yvonne, kaya pinili niyang lumabas ng kanyang lungga. Wala din ang kanyang kaibigan na umuwi sa pamilya nito, kaya wala siyang makulit.
Si Yvonne ay isang simpling babae. Magtatapos na na siya sa kinukuhang kurso, kaya napakadaming bayarin. Sinabayan pa ng nagkasakit ang kanyang ina na siyang tumataguyod sa kanila ng mahabang panahon.
Isa siyang anak ng foreigner na nang-iiwan pag alam ng buntis ang kasintahan. Nadala ang kanyang ina sa matatamis na salita ng banyaga, at siya nga ang naging bunga.
Pero sabi nga ng kanyang ina, pasalamat parin siya dahil nagkaroon siya ng Yvonne na napakaganda at napakabait.
Medyo malala din ang sakit ng kanyang ina sa obaryo, na siyang nagpapagulo sa kanyang isipan. Kahit kumayod man siya ng kumayod, hindi parin sapat. Kaya naman, napadpad siya doon sa lugar na iyon.
At mabuti na lang, nakabali siya doon kay Madam pagkatapos niyang pumirma ng kontrata. Hindi niya alam na ganoon lang kadali lalo na't hindi pa naman siya nakakaumpisa. Tapos, malaki-laki pa naman 'yong hiniram niya.
Ngayon, naoperahan na ang kanyang ina kaya nakakahinga na din siya. Patuloy ang paggagamot nito, kaya ginamit niya ang natira pang pera.
"Oh sh*t!" Sigaw ng babaeng kanyang nakabangga.
Kung saan-saan na naman kasi ang kanyang isip, kaya hindi niya napansin na may nakabangga na siya.
"Sorry, miss. Sorry talaga." Sabi ni Yvonne habang tinutulongan ang babae na tumayo.
Wala naman itong dala, pero takip na takip ang mukha nito na akala mo nagtatago. Napakunot ang noo ni Yvonne nang yumuko pa ito lalo.
"Okay ka lang ba, miss?" Tanong ni Yvonne dito. At doon lang ito napaangat ng tingin.
Nanlaki ang mata ni Yvonne ng makita kung sino ang kaharap. Hindi niya naisip na magkikita silang muli pagkalipas ng isang linggo. Pero kung tadhana nga ba naman ang gumawa ng paraan.
Alam niyang sinabihan silang kilalanin ang bawat isa, pero hindi niya naman alam kung saan hahanapin ni Lovely. Stalker man siya, pero hindi umabot sa punto na sinusundan niya na ito sa paglalakad. Stalker hanggang social media niya lang ang kayang gawin ni Yvonne.
"Yvonne..." Tawag sa kanya ni Lovely na nagpataas ng kanyang balahibo. Kakaibang dulot noon sa kanya, napakasenswal ng pagkakabigkas nito sa kanyang pangalan.
"Lo-lovely." Nauutal na sabi ni Yvonne.
"Ikaw lang pala 'yan. And I'm fine." Nakangiting sabi nito na nagbigay ng saya kay Yvonne. "What are you doing here by the way?" Tanong pa niya.
"Ma-mamasyal lang. Nabagot kasi ako sa bahay." Pinilit niyang wag mautal, pero hindi parin umubra. Kinakabahan takaga siya at namamawis pag kaharap niya ang babaeng dati ng nagbubuhay sa kanyang pantasya.
"Tamang-tama pala. Dahil nandito ka naman na," at kumawit ito sa kanyang braso, "magmeryenda muna tayo. My treat, and way na rin to know each other." Nakangiting sabi ni Lovely na nagpangiti na din sa dalaga. Sumang-ayon na din siya.
Naglakad ulit sila, at ngayon ay papasok sa isang kainan. "Okay lang ba dito ka kumain?" Alanganing sabi ni Yvonne na kinatawa ni Lovely.
"Why? Akala mo hindi ako kumakain dito? To pop your bubbles, favorite ko nga dito eh." May ngising sabi ni Lovely.
Pumasokbagad sila sa isang fastfood chain ba sikat dahil sa sarap ng luto nila. Dahil medyo tanghali naman, medyo puno na din ang kainan. Pero nakahanap parin sila, sa isang sulok sa dulo.
BINABASA MO ANG
I Want More
RandomDuty or love? Gun or rose? Metal bars or tight rope? Ano ang pipiliin mo?