After that eventful night, palagi na lang napapanaginipan ni Yvonne ang walang mukhang babae. Palagi na lang nauulit sa kanyang panaginip ang nangyari ng gabing iyon.Kahit sa trabaho ay palagi na siyang nagkakamali kakaisip sa babae. Pero may oras din naman na nakakalimutan niya ang babae, pagkasama niya si Lovely.
Palagi na siyang pinupuntahan ni Lovely sa kanyang pinagtatrabahuan. Pagkatapos ng shift niya ay mag-uusap sila, magkakilala pa, at ito na rin ang naghahatid sa kanya. At sa bawat gabing iyon, hindi makakalimutan ang halik na kanilang pagsasaluhan.
Sa bawat halik, bumabalik si Yvonne sa misteryosong babae. Ang labi at lasa ni Lovely ay katulad ng sa babae. Pero ayaw niyang pangunahan, baka nagkamali lang siya. Kaya naman hindi niya na lang iyon sinabi kay Lovely.
"I'm sorry, love. But I have an urgent meeting with my staff."
Ngayong araw, tumawag si Lovely na hindi ito makakapunta dahil sa meeting. Ayos lang naman kay Yvonne 'yon, iyon nga lang parang hindi na kompleto ang kanyang araw. Nagkaroon ng kulang.
May kulang man, kailangan niya paring magpatuloy. Kaya naman, tinapos niya ang trabaho at piniling umuwi agad para makapagpahinga. Malapit lang ang bahay nila sa pinagtatrabahuan niya, kaya nilalakad niya lang ito.
Maliwanag din naman ang daan kaya kita niyang sumusunod sa kanya. Pero binaliwala niya ito kahit masama na ang kutob niya.
"Calm down, Yvonne. Wala lang yan." Bulong ni Yvonne sa sarili bago binilisan ang paglalakad.
Pero sa hindi inaasahan ni Yvonne, may biglang lumusot sa kanyang kanan kung nasaan may eskinitang sinasbaing marami ang pinapatay. Hindi siya nakapalag pa ng hilahin siya nito papasok at tinutukan ng patalim sa leeg. Nasa likuran niya lang ang lalaki, kaya hindi niya makita kung sino ito.
"W-wag." Nagmamakaawa niyang boses na sabi.
"Hindi naman kita sasaktan." Baritonong boses ng lalaki ang kanyang narinig. Nakaramdam siya ng takot sa boses nito.
"A-ano ang gusto mo?" Kinakabahang tanong ng dalaga. Nanginginig na rin ang kanyang boses, pero hindi siya umiyak. "Kailangan ko makatakas. Kailangan ko mag-isip ng tama." Paulit-ulit niyang sabi sa sarili.
"Isa lang ang iuutos ko sayo." At lumapit pa ito para ibulong ang iba pang sasabihin sa kanyang tenga. "Layuan mo si Lovely, dahil kung hindi," at mas diin nito ang kutsilyo sa kanyang leeg. Doon na pangiwi si Yvonne dahil nakaramdam na siya ng hapdi, alam niyang nasugatan na ang kanynag leeg. "Mas ididiin ko ito. Papatayin kita!" Puno ng pagbabanta nitong sabi.
Nahintakutan si Yvonne sa bantang iyon. Alam niyang hindi nagbibiro ang lalaki, kaya naman siya ay napatango na lamang.
"Ga-gawin ko." Nauutal niyang sabi.
"Mabuti." Pag katapos no'n, naramdaman niya lang na lumuwag na ang pagkakahawak sa kanya. At sa paglingon niya, nawala na ang misteryosong lalaki.
Nagmamadaling tumakbo si Yvonne pauwi. At para hindi makita ng ina ang sugat, tumuloy agad siya sa banyo para malinisan iyon.
Nagtagumpay siyang gawin iyon dahil hindi na nagtanong ang kanyang ina. Pero, siya ay nababagabag sa sinabi ng lalaki.
Hindi niya alam kung susundin niya ba ito, o babaliwalain. Pero, alam niyang hindi ito nagloloko.
"Pasensya na Lovely, pero mas kailangan ako ng nanay ko." Naibulong ni Yvonne habang titig sa kanyang ina. Lumingon ito sa kanya na kinangiti nito na sinuklian niya din naman agad. "Pasensya na."
Tatlong araw. Tatlong araw na pagkatapos ng mangyaring aksidente. At tatlong araw na ding iniiwasan ni Yvonne si Lovely.
Tumatakas siya dito pag dumadating ito sa shop. At pag sa eskwelahan naman, lumalayo siya. Importante pa ang buhay niya, kaya pinili niya lumayo.
Nahihirapan na din ang kanyang damdamin. Palagi siyang nagungulila sa mga pag-aalala ni Lovely, mga patawa, sa bawat haplos at halik ng dalaga. Pero, mas pinili niya na gawin ang tama.
Pauwi na siya ulit, ng mula na naman kung saan isang itim na van ang tumigil sa kanyang harapan. Nakaramdam siya ng takot.
Kaya sinubukan niyang tumakbo palayo. Gusto niyang makaalis. Pero, walang pasakalye na hinablot siya at pinasakay siya dito at piniringan.
"Ano ang gagawin niyo sa akin? Bintawna niyo ako. Wala akong pera kung 'yon ang habol niyo. Maawa kayo!" Sobrang takot na takot si Yvonne, wala ng kasiguraduhan ang buhay niya.
Napaiyak na siya sa takot, iniisip niya pa lang ang mama niya na maiiwan niya. Mama niya na lang ang meron sila, dahil nasira na din naman ang nabuong pagkakaibigan.
Paulit-ulit, ang salitang 'mama' ang paulit-ulit sa kanyang isipan.
Ilang sandali pa, tumigil ang sasakyan. Walang kaingat-ingat siyang binaba sa sasakyan at hindi niya na alam kung sana siya dinala.
Hanggang sa naramdaman niyang pinaupo siya sa upuan. Tinali siya dito para hindi na makapalag pa.
"Ano 'to?" At pinilit niyang magpumiglas, pero hindi umuubra.
Mas lalong napaiyak si Yvonne sa maaring mangyari sa kanya. Nag-iisp na din ang utak niya ng kung ano-ano na mas nagpatakot sa siyanh lumulukob sa kanyang katawan.
Isang pabalibag na sara ng pintuan ang nagpatigil sa kanyang utak sa pag-iisip. Sumira ang pintuan, di alam kung ilang oras na ang lumipat. Alam niya, iyak lang siya ng iyak na sumisigaw ng pagmamakaawa.
Hanggang may narinig na rin siya, toktok ng takong sa tiles na sahig.
Mabango ang halimuyak, na siguradong babae ang nagpadukot sa kanya.
Kinakabahan man, nawawala iyon ng malamang babae ito. Nagkaroon siya ng pag-asa na pakawalan siya.
Hanggang nakalapit na anh babae, at dahan-dahan na tinanggal ang kanyang pirring. At sa kanyang pagdilat, nakakahimbal na katutuhanan ang kanyang nalaman.
"I-ikaw?"

BINABASA MO ANG
I Want More
DiversosDuty or love? Gun or rose? Metal bars or tight rope? Ano ang pipiliin mo?