#12: Huli Na

20 4 3
                                    

Huli Na

Hanggang maubos ang tinta
at mawalan ng lakas tumipa,
hindi ako magsasawa
sa paglikha ng tula.

Dahil kapag naubos ang salita,
ang magiging katha
ay luhang ibig kumawala
simula no'ng ika'y mawala.

Sa puso ko,
nananahan ang mga alaala mo.
Noong tayo ay nagkasundo
sa bagay na akala ko'y iyong gusto.

Ngunit nang ako'y lumayo,
akin namang napagtanto,
'pag wala ka sa aking mundo
para akong gusaling gumuho.

Sa'kin di mo sinisi,
ang sakit na hindi mawari;
Nang dahil sa aking pagkamakasarili,
nawala ka sa aking tabi.

Ang init ng iyong yakap,
ngiti sa labing nagliliwanag,
pagmamahal sa iba pilit hinanap,
natamasa ko nang walang kahirap-hirap.

Bitbit ang pag-asa sa aking pagbalik
at ang abot-langit na ngiti sa pagkakasabik
na maramdamang muli ang iyong pag-ibig;
at maipakita ang akin na kay tagal ring inusig.

Ngunit kung kailan ko natanto,
siya ring iyong paglaho.
Di mo man lang narinig,
Mga salitang aking sinambit.

"Mahal kita,
ina."
Pasens'ya na't,
huli na.

HN. 05022019.

When You're Not LookingWhere stories live. Discover now