#14: Ang Tanong

17 3 0
                                    

Ang Tanong

Marami sa aki’y nagtatanong,
“May boyfriend ka na ba?”
Sagot ko, “Wala pa.”
“Bakit naman?” tanong nila.

Pangkaraniwang ngiti lang ang sagot dito.
Pero minsan gusto ko ring sabihin ang nasa loob nito,
Na simple lang naman ang dahilan ko;
Sadyang magkakaiba lang talaga tayo.

Ayoko kasi ng panandaliang kilig;
Tapos sa makalawa, ako na lang ang naiwang nakatindig.
Ayaw ko ring lumunok ng ampalaya,
Matapos kang palayain, sinta.

Kaya hinay-hinay lang sa kasasagot.
Ang "Oo" hindi para sa mga baluktot.
Hihintayin na lang ang oras ng pagsagot
sa tamang taong Kaniyang iniluklok.

AT. 06242019.

When You're Not LookingWhere stories live. Discover now