#02: Sugal

43 2 1
                                    

Sugal

Natakot akong sumugal,
Hindi dahil hindi kita mahal;
Nahirapan lang akong manlaban
Sa tadhana nating naninimbang.

Tama bang mahalin pa kita
Kung puso ko'y nahihirapan na?
Sapat na ba ang mahal lang kita
Para puso ko'y isugal at sumaya?

Natakot akong sumugal
Sa pag-aakalang ‘baka ‘di pa ikaw’
Di mo naman siguro masisisi
Kung natakot ako't di na nag baka sakali.

Buti nga'y napatunayan ko,
Pag-ibig mo pala'y hindi totoo.
Isa lang pala akong sugal,
Wala sa loob na itinaya ng puso mo.

S. 04102019

When You're Not LookingWhere stories live. Discover now