#20: Tunay

16 4 0
                                    

Tunay

Paano mo masasabing
Pag-ibig nga ay tunay?
Kung ni nadarama’y di maunawaan ng husto,
pa’no pa kaya ang sa iyo?

Nasusukat ba ito ng layo?
Mahahawakan ba ang puso?

May alarm ba ‘pag tunay na?
O kaya red flag na wawagayway ‘pag naramdaman na?
May tour guide ba na magsasabing nadako na?
May buzzer ba pag asintado na?

Paano mo naman
masasabing hindi nga tunay?

Kung kahit malayo na,
Kahit ‘di pa maunawaan ng husto,
Kahit lumipas na ang buwang disgusto,
Siya pa rin ang hinahanap mo?

May alarm bang magsasabing tama na?
O kaya death flag na pwedeng ibandera?
Tour guide na magpapaalalang hanggang dito na lang?
Buzzer na babatingaw para huwag na sanang dumungaw?

‘Yong totoo…
litong-lito na kasi ako.

Gaano ba kaikli ang kailangang ipagupit,
Para lang masabing “this is the end”?
Move on na move on na ko!
Pero bakit buhok ko lang ang nagbago?

T. 06242019.

When You're Not LookingWhere stories live. Discover now