CHAPTER FOUR
FIRST day ni Lyka bilang isang dakilang katulong sa beast lair. Maganda naman ang condo unit nito na matatagpuan sa Makati. Napaka-manly ng ambiance, iyon nga lang ay hindi mukhang organize. Ang mga CD at kung ano-ano pang mga gamit ay nakakalat sa sala nito. Pero hindi na niya pinagtaka iyon dahil sadya namang makalat sa bahay ang mga lalaki. Lalo na sa katulad nitong masama ang ugali at walang katulong sa bahay.
Pagdating niya doon ay wala na ang monster kaya naman nakahinga siya ng maluwag. Nag-text ito sa kanya kanina at ibinigay ang password ng lock ng unit nito kaya naman nakapasok agad siya. Hindi niya alam kung paano nito nakuha ang mobile number niya pero nang bigla niyang naisip si Maria kanina ay baka dito noon tinanong iyon. Hindi na muna niya poproblemahin kung ungkatin man siya ng baklita tungkol doon dahil wala naman itong mahihita sa kanya at dalawang buwan siyang mawawala sa barangay nila.
Sinabihan niya ang kanyang kamag-anak niya na magbabakasyon siya kunwari, kasama ang isa sa mga 'di niya pinangalang writer sa Boracay. Dinahilan niya ang pagkakaroon niya ng writers block para hindi na ito mag-usisa pa. Luckily, hindi na nga siya kinulit nang kinulit ng mga ito pwera na lamang kay Menchie na ma-mi-miss daw siya at nagpapabili sa kanya ng maraming pasalubong. Naisip niyang sa world trade center na lang siya mamili ng kunwaring pasalubong niya dito pagbalik niya. Maswerte din na hindi naisip ng mga ito na ihatid din siya sa airport dahil kung sakali ay baka mabulisyaso ang plano niya.
Sinimulan niyang linisin na ang the beast lair. Mabuti na lamang at kompleto ang lalaki sa mga cleaning tools kaya hindi mahirap iyong gawin sa kanya. Sanay na rin naman siya sa mga gawaing bahay dahil nang hindi pa nag-aasawa ang kuya niya ay siya ang madalas na gumagawa noon sa bahay nila.
Tanghali nang siya ay natapos na sa gawain. Binuksan niya ang ref nito at balak sana niyang mag-luto ngunit walang laman iyon. Pagsarado niya ng ref ay saka lang niya napagtanto na may post-it note pala na nakadikit sa harapan noon. Binasa niya iyon.
Mag-grocery ka. Bilhin mo ang lahat ng nakasulat dito at ilan na rin sa mga gusto mong lutuin for a week.
Then nakalagay doon ang mga gamit at pagkaing pinabili nito. Nakadetalye din kung saan nakalagay ang perang pang bili.
Kinuha niya ang mga iyon at nagpunta sa pinakamalapit na mall sa unit nito. Sa labas na rin niya naisipang kumain ng lunch dahil tinatamad pa siyang magluto. Pagka-uwi niya sa unit nito ay agad naman siyang tinamaan ng antok kaya nakatulog siya sa sofa nito.
BINUKSAN ni Red ang pinto ng unit niya at bumulaga sa kanya ang mabangong amoy na iyon sa loob. Hindi pamilyar sa kanya iyon dahil bihira naman siyang maglagay ng freshener sa loob ng unit niya. Pagpasok niya ay nakita agad niya ang pagkalinis ng unit niya. Napangiti siya sa nangyari. So the dwarf had cleaned his unit. He wondered where she is.
Nilinga-linga niya ang paligid at nang mapadako ang kanyang mga mata sa sofa ay nakita niya doon ang nahihimbing na katawan ni Lyka. Nakasabog ang mahabang buhok nito. Pinagmasdan niya ito habang natutulog. She seems to be an Angel when she’s sleeping pero kapag naman kausap siya nito ay para itong tigre sa laki. Hindi ito natatakot sa kanya kahit maliit lamang ito. Parang ito pa nga ang laging handang lumapa sa kanya kaysa siya ang lumapa dito.
Hanga din naman siya sa lakas ng loob ng babae na ito na sagot-sagutin siya. Wala pang tao ang nakakagawa sa kanya noon kundi ito lamang. Dapat noong una pa lang ay sandamakmak na galit na ang naabot nito sa kanya ngunit hindi niya ba alam kung bakit hanggang salita lang siya dito. Dapat nga ay pinarusahan na talaga niya ito in terms of sending her to jail pero hindi niya nagawa at hindi niya alam kung anong problema doon.
Naawa ba siya dito? But why the hell would he feel pity for her? Ito nga ang nanira ng gabi at nagpahiya sa kanya noong nag-date sila tapos naawa pa siya? It’s kinda weird because he couldn’t explain what’s happening.