Chapter 5

112 2 0
                                    

CHAPTER FIVE

GUSTONG maglaway ni Lyka sa nakikita niya sa paligid. Grabe, ang daming gwapo! And those abs, mapapatili pati ang mga natutulog na bading kapag nakita ng mga ito ang ganoong napakagandang tanawin. Pakiramdam tuloy niya ay nabuhay lahat ang mga lalaking isinulat niya sa kanyang mga nobela sa katayuan ng mga ito.

“Grabe, is this Zeus lair?” tanong niya kay Red habang naglalakad.

“'Wag kang mag-imagine masyado, Lyka. Tandaan mo, nandito ka upang maging servant ko at hindi magpantasya sa mga lalaking nandito.”

“I can’t help it, and they are so—“ hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin nang may dumaan sa harap niyang grupo ng mga lalaki na mukhang mga koreano. “Oh my God! Is that Hyun Bin?!” hindi makapaniwalang sabi niya ng makita ang actor na bida sa all-time favorite Korean movie niyang ‘A millionaire’s first love’.

Balewalang tumango ito na para bang normal lang na makita nito ang pamosong actor sa tapat nito.

“OMG to the highest power! Model mo siya dito?! I can’t believe that I saw him in personal! Oh, I want to faint!” OA na sabi niya.

“Yes, he’s my model. Pero hindi mo dapat ipagkalat ang nakikita mo ngayon dahil kakaunti lang ang may alam na nasa bansa siya ngayon. Oras na malaman ng mga taong nandito siya sa ating bansa, tiyak na kukuhamugin siya ng mga Filipino fans niya and that would surely ruin the photoshoot.”

“Hindi pa rin ako makapaniwala. Pwede ba akong magpapicture sa kanya mamaya? Ikaw naman ang boss nila, right?”

“Ikaw ang bahala,” pagkatapos nitong sabihin iyon ay pumasok na ito sa dressing room. Naiwan siya sa labas ng dressing room at nanatiling nakatitig pa rin sa topless na si Hyun Bin. Parang gusto na niyang magpasalamat kay Red at ginawa siya nitong alipin nito. Kung hindi dahil sa beast na iyon ay hindi niya makikita ang favorite Korean actor niya. And take note, topless pa nang makita niya. Gusto na nga yata niyang mahimatay.

Siguradong libo-libong tili ang maririnig mo kay Maria oras na makakapagpa-picture ka sa bathalang ito! Ha-ha.

Hindi pa rin maalis ang tingin niya sa gwapong lalaki ng biglang lumabas si Red ng dressing room. At gusto niya muling mapa-‘oh- nang makita niya ang ayos nito.

Topless din ito.

Ano ba talaga itong lugar na pinagdalhan mo sa akin? Dito yata nagbuhos ang Diyos ng sobra-sobrang biyaya, eh! Nais sana niyang sabihin kay Red.

Kitang kita niya ang napakagandang built ng katawan nito with his six-pack abs na parang isang masarap na ulam na nakahain sa tapat niya. Para siyang babaeng naglilihi sa lagay niya dahil takam na takam siya. Nakatulala din siya sa magagandang biceps nito.

“Give me my towel,” kahit nagsalita na ito ay hindi pa rin siya natinag sa pagtingin sa magandang katawan nito.

“Ha?”

“I said, give me my towel, dwarf!” malakas na sabi nito. “Nakakita ka lang ng lalaking may six-pack abs, nawala ka na sa sarili mo.”

Doon unti-unting nabuhay ang diwa niya. “I-is that proper?”

Nagsalubong ang kilay nito. “Anong proper?”

“Ang mag-alis ka ng damit? Hindi ka kaya hulihin?”

“At bakit naman ako huhulihin? Wala namang pulis dito and it’s a photoshoot. Required talaga ito.”

“So you mean your going to have your photoshoot, too?”

“Yeah. Kasama ko si Hyun Bin na magmo-model for today.”

What? Magsasama ang dalawang demigod sa iisang cover? Hindi kaya sumabog ang bulb ng camera dahil sa angking kagwapuhan ng mga ito?

You Got Me ♥ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon