Kabanata 1

5.2K 96 5
                                        

                “RANCHO DE SAN RUIZ,” basa ko sa malaking karatulang nadadaanan namin habang binabaybay ang lubak at maputik na daan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                “RANCHO DE SAN RUIZ,” basa ko sa malaking karatulang nadadaanan namin habang binabaybay ang lubak at maputik na daan. The name seems pretty old but good to hear. Ipinagsawa ko ang tingin sa buong bukana ng rancho. The entrance was actually huge and nice. Mukhang malawak din ang lupain ng buong rancho dahil mula dito sa bukana ay halos puro puno na lang ang matanaw ko at wala nang iba pa. Ni hindi mo makita kung ano ang mayroon sa loob ng rancho.

Muli kong sinulyapan ang karatula kahit na paliit na ng paliit ito sa paningin ko dahil sa takbo ng sasakyan. I was amazed. I wonder how it looks like inside.

“Oh god! Dad, malayo pa ba tayo?” reklamo ni Josephine dahilan para bumaling sa kanya ang atensiyon ko. Nakita ko ang pag-iling ng ama nitong si Attorney Trivino na nakaupo sa passenger seat habang pinagmamasdan ang nagmamaktol na anak.

Gaya ko ay unang beses palang ni Josephine dito sa probinsiyang kinalakhan ng kanyang ama. Sa Pasuquin, Ilocos Norte. Hindi sanay si Josephine sa probinsiya. She grew up in the city where you can find everything you need. Parties, city lights and luxurious things is her cup of tea. At kung siya ang masusunod ay talagang hindi siya sasama sa amin ni Tito. Pero dahil na din sa kagustuhan ng kanyang ama ay wala itong nagawa.

Noong nakaraan lang ay nasangkot si Josephine sa gulo sa isang bar. They were suspected using ecstasy with her friends. Galit na galit ang Tito Trivino nang mag positive ang ilan niyang mga kaibigan sa drug test. Thank God that she was negative on the test. Hindi ko maisip ang gagawin ni Tito Trivino sa kanyang anak kung malaman nitong pati ito’y gumagamit ng illegal na gamot. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit naging matigas si Tito na isama si Josephine dito sa Pasuquin.

“Walang signal!” dagdag pa ni Josephine na ngayon ay lantaran ang reklamo at pagkadismaya. Gaya kanina ay panay ang sulyap nito sa mamahalin nitong cellphone. Na para bang kung itataas at iibahin niya ang pwesto nito ay magkakaroon ng signal.

“We’re almost there, Josephine. Tumahimik ka kaya riyan at kanina pa ako naririndi sa reklamo mo!” Tito Trivino’s warned.

Walang nagawa si Josephine kundi ang tumahimik at sumulyap sa labas na puno ng disgusto ang mukha. Pero kabaliktaran ni Josephine ay gusto ko ang lugar na ‘to. Tahimik at malayo sa syudad. Puro puno at sariwang hangin lang ang malalanghap at higit sa lahat ay malapit sa gubat at dagat. Hindi ko nga inaasahan na magiging magaan ang pakiramdam ko sa lugar na ‘to gayong nandito ang mapapait kong ala-ala. Or maybe, because this place is still my home.

“Aren’t you bored here, Suzanne?” bulong ni Josephine at nilingon ako.

Umiling ako at tipid na ngumiti. “Hindi naman.”

Nakita ko ang pagngisi niya na para bang inaasahan na niya ang sagot ko. “You’re always like that,” aniya at humalukipkip.

Hindi na ako umimik at inilipat na lang ang tingin sa labas kung saan may nadadaanan na kaming mga bahay.

Rancho De San Ruiz 1: Rage Amidst Affection Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon