Kabanata 2

3.6K 80 7
                                    

            NAIWAN akong tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Augustine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

            NAIWAN akong tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Augustine. Matapos nitong magpaalam at sabihin kay Tito ay agad itong umalis dahil kailangan daw ito sa rancho. I was surprised that he was talking about Rancho de San Ruiz. Ang ranchong nadaanan namin kanina. Maybe he worked there.

“I’ll inform Juanito’s men that you arrived. Sigurado akong hindi na siya makapaghintay na makita ka.”

Tumango ako at sinabihang nasa ikalawang palapag ang magiging kwarto ko malapit sa kwarto ni Josephine. Si Tito naman ay inilabas ang telepono ay inilagay sa tainga ang cellphone. He’s  probably calling Uncle Juanito’s men.

Lumakad ako papasok ng bahay at huli na nang mapansin ang ganda ng bahay nila Tito Trivino. Naglakad ako papasok at sinuri ang bahay. It wasn’t  modern at all. Ang disenyo nito ay maihahalintulad mo sa mga bahay noon pang 19’s maliban na lamang sa bubong nitong mukhang bagong palit na. Minana pa ni Tito ang bahay na ito sa kanyang mga magulang ayon sa kanya na dati ding mga abogado ng aming pamilya. Hindi ito sobrang laki kagaya ng kanilang bahay sa Maynila pero hindi naman maipagkakaila ang ganda nito. Aniya ay pinarenovate niya ang bahay na ito bago pa kami dumating.

Nakita ko ang matandang mag-asawa na napalingon dahil sa pagpasok ko. They were on their fifties. Hindi na nagkakalayo sa edad ni Tito Trivino. Sa palagay ko ay sila ang mag asawang caretaker nitong bahay na dating nabanggit ni Tito.

“Magandang araw po,” bati ko at bahagyang ngumiti. Lumapit ang matanda at binitawan ang walis tambong hawak.

“Ikaw siguro ‘yung anak ni Attorney?” magiliw na wika ng matanda. “Ako nga pala si Sherly. Eto ang asawa kong si Berto,” aniya at tinutukoy ang matanda na seryosong nakatingin sa akin. Bahagyang napawi ang ngiti ko dahil sa paraan ng pagtingin sa akin ng matandang lalaki.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa tulong ng kanyang tungkod. Mukhang hirap ito sa pagtayo at may kapansanan ang kaliwang binti.

“Nasa kwarto na ang anak ni Attorney, Shirley. Anak ni Victor Santibañez ang babaeng nasa harap mo ngayon,” sabi ng matandang lalaki dahilan ng pagkagulat ko.

Nawala ang ngiti sa mukha ng matandang babae at pinagmasdan ako ng mabuti bago bahagyang nanlaki ang mga mata. Tila umurong naman ang sikmura ko dahilan para hindi agad makapag salita.

“T-Tama ka, Berto. Kamukha niya ang kanyang ina kung titignan mong mabuti. Ang akala ko ay iyong mataray na babae kanina ang Santibañez…” Marahil ang tinutukoy nito ay si Josephine na naunang pumasok kanina.

Tumikhim iyong lalaki. Ngayon ay mas seryoso at lantaran na ang galit at poot sa mga mata. Hindi ko inaasahang may nakakaalam sa katauhan ko bukod kay Tito Trivino.

“Ano ang dahilan mo at bumalik ka?” ang matalim na tono ng matandang lalaki ay hindi nakatakas sa akin. Base sa paraan ng pagtingin nila sa akin ay alam ko na agad na hindi ako nararapat na tumapak sa lugar na ‘to.

Rancho De San Ruiz 1: Rage Amidst Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon