MALAYO palang ay natanaw ko na ang tatlong itim na SUV na nakaparada sa labas ng bahay ni Tito Trivino. They are actually blocking the driveway, that's why I noticed them immediately. May lumabas na ilang lalaki doon na agad kong namukhaan bilang mga tauhan ni Uncle Juanito. Kasa-kasama sila lagi ni uncle sa tuwing bibisita sa akin sa Maynila noon.
"You know them?" tanong ni Augustine na hindi ko namalayang seryosong nakamasid din pala. Napalunok ako.
"H-Hindi," I lied.
I saw him clench his jaw but didn't say anything. He probably recognised those men since he's living here in Pasuquin.
"You'll go to Laoag after this, right?" tanong ko dahil masyado siyang seryoso at gusto kong ibahin ang usapan.
"Yes."
Tumango tango naman ako at hindi na alam ang sasabihin hanggang sa ihinto na niya mismo ang sasakyan katapat mismo ng isa sa mga itim na SUV.
"Hindi na ako tutuloy sa loob dahil mukhang may bisita kayo. Pakisabi na lang kay Attorney, Suzanne," sabi niya ng seryoso.
Tumango lang ako. Napansin kong hindi na nawala ang pagiging seryoso ng kanyang mukha at pati pagngiti ay hindi niya nagawa.
Hindi kaya ay kilala niya ang mga tauhan namin?
"T-Thank you," I said before closing the door of his car. Pinagmasdan ko ang sasakyan niyang umikot para bumalik sa daan kung saan kami nanggaling kanina. At dahil tinted ang kanyang sasakyan ay hindi ko na siya makita mula sa labas.
Huminga ako ng malalim at naglakad papasok sa loob. Nakamasid sa akin ang ilang tauhan nang makita akong papasok. Ang Ilan sa kanila ay pamilyar sa akin ngunit ang iba naman ay hindi.
"Miss Suzanne." Santiago greeted me with a very respectful voice, which I identified as my uncle's trusted assistant.
"Santiago," I called. Matagal na itong assistant at kaibigan ni Uncle Juanito. Bahagyang tumanda na rin ang itsura nito dahil ilang taon na rin mula noong huli ko siyang nakita. Madalas ay katulong ito ni Uncle sa mga negosyo namin dito kaya madalang kung makasama noon ni Uncle sa Maynila.
"How's my Uncle Juanito?" panimula ko.
Nakita ko ang lalong pagseryoso ng mukha nito nang banggitin ko ang pangalan ni Uncle.
"Inutusan niya kaming sunduin kayo ni Attorney. Mabuti pa ay kayo na lang dalawa ang mag-usap pagdating sa Casa Santibañez," sagot nito na agad ikinakunot ng noo ko.
"He's in casa? I thought he's in the hospital? Hindi ba at masama ang lagay niya?" tanong ko at bahagyang nagtaas ng boses dahil sa pag-aalala.
Agad na rumehistro ang pag-aalinlangan sa mata ni Santiago's. "Hindi namin mapipilit si Señor tungkol diyan. Mga tauhan lang kami. At gustuhin ko man na manatili siya sa hospital ay hindi siya pumayag. Nang makakuha siya ng authorization sa hospital na pwede siyang lumabas ay hindi siya nagpapigil."
BINABASA MO ANG
Rancho De San Ruiz 1: Rage Amidst Affection
RomanceRancho de San Ruiz 1 Augustine San Ruiz [FAST UPDATE]