“LADIES AND GENTLEMEN, Air Philippines welcomes you to Manila. The local time is eleven in the evening. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisles clear until we are parked at the gate.” I heard the flight attendant announced.
Nagising ako dahil sa announcement na iyon. Almost twenty hours ang naging byahe ko magmula sa Canada kasama na ang layover ko sa Japan.
Isinuot ko ang seatbelt ko at huminga ng malalim bago kumapit ng mahigpit dahil sa ugong ng eroplano. This is my most hated part whenever I ride an airplane. It makes me a bit nervous for no reason. Ilang minuto ang itinagal noon bago kami tuluyang lumapag. I brushed my hair with my fingers and glanced at the window beside me.
Kahit na madilim ang labas ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan. It just feels like yesterday. Hindi ko sigurado kung sa pagbabalik ko ngayon ay karapatdapat na ako sa mata nila.
Sa loob ng dalawang taon ay mas itinuon ko ang aking atensiyon sa pag-aaral sa ibang bansa upang matapos ang aking post-degree. I spent two years of my life living abroad as an international student. I didn’t pursue my masters and just decided to go home after my program. Isa pa ay tinawagan ako ni Tito Trivino para sabihin ang kanyang lagay. Ang akala ko pagbalik ko ay magiging maayos na ang lahat.
Pero hindi nang sabihin sa akin ni Tito Trivino na may brain cancer siya. Worst of all, it’s already stage four. My heart hurt so much thinking about him dying. Siya ang tumayong ama sa akin sa maraming taon.
Somehow, it feels like dejavu. Noon ay umuwi rin ako dahil sa masamang lagay ng aking Uncle Juanito. Ngayon naman ay ang masamang balita dahil kay Tito Trivino. Lahat ng taong mahalaga sa sakin ay nawawala. My parents, my Uncle Juanito and now my dying Tito Trivino.
Humikab ako at nakipila sa mga pasaherong nagsisilabasan na sa eroplano. It was an exhausting flight. Sobrang sakit ng likod ko dahil sa napakatagal na pagkakaupo at pakiramdam ko ay talagang nanibago ako. Naninibago din ako sa mainit na klima ng Pilipinas kahit na gabi na. Fall season na noong umalis ako sa Vancouver, Canada. Kaya malaking adjustment sa katawan ko ngayon ang klima.
Lumakad ako papasok sa airport kasabay pa rin ang mga pasahero. Dumiretso ako sa immigration at sinagot ang ilang mga katanungan doon bago tuluyang nakalabas ng airport. I am planning to go home to Pasuquin tomorrow morning. I didn’t book a flight to Laoag. Susunduin daw ako ng driver ni Tito Trivino na si Mang Romualdo. And then after that, I’ll stay in hotel for tonight.
Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang wala pang text doon si Mang Romualdo. I also tried calling him, but his phone was turned off. Humalukipkip ako dahil sa pagkabagot at iritado dahil sa driver. Pinagmasdan ko na lang ang mga taong sinasalubong ang mga kani-kanilang pamilya at ang iba naman ay nagpapaalam. I even saw a boy who’s crying loudly while screaming for his mum. Nakita ko ang pagbitaw ng nanay nito sa kanyang kamay kaya lalo itong umiyak.
BINABASA MO ANG
Rancho De San Ruiz 1: Rage Amidst Affection
RomansaRancho de San Ruiz 1 Augustine San Ruiz [FAST UPDATE]