ZAIM'S POV
Nang makarating ako sa hospital ay kaagad na dumiretso ako sa kung saang kwarto nanduon si Addie, naabutan ko naman na nanduon si Liam at si Spade na seryosong nagu-usap.
"Gising na siya?" I asked at tumango naman si Spade, hindi ko na siya hinintay na sumagot at pumasok sa loob.'
Napahinto naman ako ng makita si Addie na naka-upo habang kinakausap si Scorpio, finally...she's awake.
"Addie.." Pagtawag ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin at halata sa mukha nito ang pagtataka.
"Zaim? Bakit ka nandito?" She asked.
"I came as soon as Jude said that you're awake, kamusta ka na?" I asked at saka lumapit sa kanya at umupo sa bakanteng space sa kama, hinawakan ko naman ang kamay nito pero binawi niya lang din ito kaagad.
"Hindi ba iniwan mo na ako?" She asked angrily, kumunot naman ang noo ko.
"What do you mean?" I asked.
"Matapos kitang hanapin at sinubukang tawagan then malalaman ko na lang kay Jude na umalis ka na at pumunta ng Dubai kasi duon ka na maninirahan, bakit ka pa bumalik ha?" She asked na mas lalo ko pang ipinagtaka.
"Addie, anong natatandaan mo na huling nangyari sayo?" Pagsingit ni Scorpio sa usapan namin.
"Duh, hindi mo ba matandaan kuya? Nagi-inuman tayo noon kasi iniwan ako ng mokong na to." Sagot nito, nagkatinginan naman kami ni Scorpio.
"Zaim, kailangan nating mag-usap sa labas, ngayon na." He said at naunang lumabas, saglit naman na tumingin ako kay Addie bago sumunod sa kanya.
"Anong pagu-usapan?" I asked nang makalabas ako.
"There's a problem at tungkol iyon kay Addie." Scorpio said.
"Anong problema?" Liam asked, Scorpio removed his eyeglasses at tumingin sa amin ulit.
"Zaim talked to her a while ago and she kept telling things na nangyari noon then tinanong ko naman siya kung anong huli niyang natatandaan." Scorpio explained.
"Then anong sinabi niya?" Spade asked.
"She said na nagi-inuman tayo noon." Scorpio answered.
"That was five years ago right?" Liam asked at tumango naman si Spade.
"A-anong nangyayari?" I asked.
"I'm afraid to say na...ang tanging naaalala na lang ni Addie ay five years ago, yung panahon na iniwan siya ni Zaim." Scorpio said at napa-atras naman ako.
Oh shit.
.
.
.
Napasabunot naman ako sa sarili kong buhok habang pina-process ang sinabi ni Scorpio kanina.
Addie's mind went back five years ago, kung kailan ko siya iniwan.
Which means, galit sa akin ngayon si Addie.
"Oh." Kinuha ko naman ang inabot sa akin ni Spade na softdrinks in can. "Bakit naman parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa?" He asked.
"Dude, nakalimutan ni Addie lahat-lahat ng mga moments na ginawa namin this year. Which means magsisimula na naman ako sa una." I said and I let out a sigh again. "Masakit bro, kasi...yung gabi na iyon tinanong ko kung gusto niyang magpakasal sa akin...pumayag na siya Dude...then suddenly.." I said at naramdaman ko naman ang biglang pagsikip ng lalamunan ko.
At mayamaya lang ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.
"Wala na yung singsing na ibinigay ko sa kanya...wala na sa daliri niya." Dagdag ko at naramdaman ko naman ang pagbigat ng dibdib ko.
"Ito ba yun?" Spade asked at may ipinakita sa akin na singsing.
"P-paano mo nakuha to?" I asked at kinuha iyon sa kanya.
"Noong nagising siya nagtaka siya kung bakit may singsing sa daliri niya then sabi niya baka bigay mo daw yun sa kanya kaya inalis niya." He said. Tinitigan ko naman ang singsing na iyon and I let out a heavy sigh at saka pinunasan ang luha ko.
"Ito na ba yung karma ko sa pangi-iwan ko sa kanya noon? Fuck shit! Pinagsisihan ko na lahat, inayos ko na ang lahat! Pero bakit ganito pa rin!?" I asked at sinipa ang trashcan na malapit duon.
"Dude, calm down. Hindi makakatulong yang pagwawala mo dito." Pag-awat sa akin ni Spade.
"No Spade, hindi mo kasi ako naiintindihan. Okay na lahat, ikakasal na kami, then in just one snap wala na! wala na lahat!" I said, Spade sighed at saka tumayo at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Ang Zaim na kilala ko hindi takot na magsimula ulit sa una." He said, tinapik-tapik naman niya ang dalawang balikat ko na iyon bago bahagyang tinampal ang pisngi ko. "Ang Zaim na kilala ko hindi agad-agad sumusuko." Dagdag nito bago ako tuluyang sinampal.
"What the fuck!?" I asked at hinawakan ang part ng pisngi na sinampal niya.
"Pumasok ka sa loob at simulan mo ulit, tanga." He said at napatigil naman ako.
He's right, hindi dapat ako nagda-drama dito.
"Ano? Tatayo ka na lang diyan?" He asked at tumingin sa kanya then niyakap ito. "Dude ano ba!?" He asked at saka itinulak ako palayo. "Baka makita tayo ni Amy dito, kung ano pang isipin nuon." Pagre-reklamo nito.
"Thanks bro, sige na papasok na ako." I said at saka lumakad papunta sa pinto ng kwarto ni Addie.
I took a deep breath at saka lakas loob na binuksan ang pinto, naabutan ko naman si Addie na kumakain ng orange. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin then she rolled her eyes.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong nito, bahagyang napangiti naman ako duon. Na-miss ko rin ang side na to.
"I just want to say hi" I said at saka umupo sa upuan na nasa tabi niya.
"Umalis ka nga, ayaw kitang makita." Pagtataboy nito.
"Gusto kitang makita eh." Sagot ko and she rolled her eyes again. "Alam mo...hinintay ko talaga na magising ka." I said.
"Bakit? Magpapaalam ka na? go ahead hindi na kita pipigilan." Pambabara nito.
"Gusto ko lang na malaman mo na...hinding-hindi na kita iiwan." I said at tumingin naman siya sa akin.
"What do you mean?" She asked and I smirked.
"Hindi na ako aalis, dito na lang ako sa tabi mo." I said.
Kung kailangan kong sakyan ang mga nangyayari then gagawin ko.
Basta maibalik lang siya sa akin.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
BINABASA MO ANG
His Series #7: Zaim Falcon
RomanceBeing inlove with someone is the best feeling in the world, yun ang sabi nila, pero para kay Addie hindi. Being inlove is a curse that can break you into pieces kapag hindi mo nalabanan at mukhang isinumpa talaga siya ng universe. Cause she woke up...
