Chapter Forty-Two

3.3K 66 0
                                    

ADDISON'S POV
 
*One Month Later*
 
"Rise and shine Addie baby." Ani ng isang boses, I groaned at hindi pinansin iyon. Istorbo. "C'mon, ang ganda ng umaga." Dagdag niya.
 
Iminulat ko naman ang mga mata ko at tinignan kung sino iyon, it was Kuya Scorpio na naka-sandal sa hamba ng pinto. Hindi ko naman siya ulit pinansin instead ay nagtalukbong ng kumot, alam kong alam niya na ang sitwasyon ko ngayon.
 
I heard his chuckle, naramdaman ko naman ang paglubog ng space sa likod ko.
 
"Hindi ako galit Addie." He said.
 
"Sinungaling" Sagot ko at bahagya naman siyang natawa duon.
 
"Maybe slight, pero alam mo naman na hindi ako marunong magalit sayo ng matagal diba?" He asked, inalis ko naman ang pagkakatalukbong at saka tinignan siya, he gave me a smile. "I need some hug baby sis." He said.
 
Bumangon naman ako at saka niyakap siya and I started to cry, blame the hormones not me.
 
"Sorry ngayon lang ako nagpakita, hindi ko maiwan ang hospital eh." He said.
 
"Ang hospital o si Ate Jared?" I asked.
 
"Mmmm...maybe both." He said at bahagya naman akong natawa duon. Humiwalay naman ako and I pouted samantalang siya ay inayos ang buhok ko. "You're glowing" He commented and I chuckled.
 
"Because of this." I said at saka inilagay ang palad ko sa tiyan. Inilagay niya rin ang palad niya.
 
"Hi baby, it's me your Tito Scorpio." He said habang nakatingin sa tiyan ako.
 
"Kuya, alam mo naman siguro na hindi pa talaga siya totally na fetus diba?" I asked.
 
"I know, mabuti na ang advance." He said at saka hinimas ang tiyan ko, medyo nagkakaroon na ng bump duon. "Wag na wag kang tutulad sa Ama mo na masyadong magaling." Dagdag niya.
 
"Pwede ba, wala na kaming koneksyon sa lalaki na iyon." I said.
 
"Pero kahit bali-baliktarin natin ang mundo, siya pa rin ang ama ng dinadala mo." Sagot niyo.
 
"Iniwan na niya kami Kuya, wala na siyang karapatan." I argued.
 
"Iniwan ka niya for your safety, saka di pa naman niya alam na buntis ka ng mga panahon na iyon." He said and I rolled my eyes.
 
"Seriously, kanino ka ba talaga kampi kuya? Sakin o sa kanya?" Naiinis na tanong ko.
 
"Wala, wala akong kinakampihan sa inyo. Gusto ko lang magtino na kayong dalawa, magkaka-anak na kayo oh." He said habang patuloy pa rin sa paghimas sa tiyan ko. "Stop the arguments now, ayaw mo naman siguro na lumaki ang anak mo na walang ama diba?" He asked at nag-iwas naman ako ng tingin.
 
I do.
 
.
 
 
 
 
.
 
 
 
 
.
 
"Sabi dito sa pregnancy book, maganda daw sa buntis ang paglalakad-lakad." Kuya Scorpio said.
 
"Ah kaya naman pala." I said habang naglalakad. "Napapagod na ako." Reklamo ko but he just chuckled.
 
"Baby sis, 2 kanto pa lang ang nalalagpasan natin. Ang goal is 5 kanto." He said and I rolled my eyes.
 
"Bakit ba kasi kailangan kong sumunod sayo? Ako ang nagbubuntis hindi ikaw." I argued.
 
"Ako ang doctor, hindi ikaw." Sagot naman nito.
 
"Pasalamat ka at buntis ako kundi kanina pa kita ni-wrestling diyan." Banta ko and he just rolled his eyes.
 
"I'm scared." He said in a mocking tone, hinampas ko naman siya and he hiss in pain. "Nabuntis ka lang bumigat na ang kamay mo!" He commented habang hini-himas himas ang braso kung saan ko siya hinampas.
 
"Tigilan mo ko kuya, tatamaan ka lalo sa akin." I said at nagsimula naman akong makaramdam ng pagka-irita.
 
"Chill baby sis, support lang ako." He said.
 
"Gusto ko ng malamig." I said.
 
"Walang palamig dito sa Thunycea." Sagot niya habang binabasa ang pregnancy book na dala niya.
 
"I mean malamig, like...halo-halo." I said at napahinto naman ito sa paglalakad. Huminto din ako sa paglalakad at nagtatakang tinignan siya.
 
"Addie, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Duh, nandito tayo sa Thunycea okay? Walang halo-halo dito." He said and I rolled my eyes.
 
"Gusto ko ng halo-halo!" I said, napakamot naman siya sa sentido niya at saka may tinawagan.
 
"Hello...papunta ka ba dito?...errr, Addie wants halo-halo, magdala ka...ikaw na bahala duon...sige." He said at saka ibinaba ang cellphone niya.
 
"Mayamaya lang darating na ang halo-halo mo, hintay ka lang." He said at saka hinawakan ako sa wrist at ipinag-patuloy ang paglalakad namin.
 
"Papatawarin ko na ba si Zaim?" Biglang tanong ko, napalingon naman sa akin si Kuya Scorpio.
 
"Ikaw ang magde-desisyon niya." Sagot nito.
 
"Masakit pa rin kasi hanggang ngayon kuya eh...pwedeng time-out muna? Recharge ko muna sarili ko?" I asked, inakbayan naman niya ako.
 
"Like what I said earlier, ikaw ang bahalang mag-desisyon. Kung pagod ka, mai-intindihan naman ni Zaim iyon. Handa naman siyang maghintay hanggang sa pwede na ulit." He said, tumaas naman ang kilay ko at tinignan siya.
 
"Sumapi ba sayo ang espirito ng lalaking iyon kuya?" I asked again at natawa naman siya duon.
 
"No actually, naka-usap ko kasi siya bago ako pumunta dito. Sabi ko na kung sakaling pupunta siya dito, asahan na niya ang monster side mo." He said, hinampas ko naman ulit siya at natawa siya duon ulit. "Sabi niya, inaasahan na niya iyon kaya gagawin niya ang lahat to earn you forgiveness and trust again." Dagdag nito.
 
"Eh nasaan na siya? Ba't di siya nagpapakita?" I asked, Scorpio gave me a smirked.
 
"Hintay lang Addie." He said at saka naunang maglakad sa akin, tumaas naman ang kilay ko. Again, something is fishy.
 
.
 
 
 
 
.
 
 
 
 
.
 
I let out a sigh at saka binuksan ang gate ng bahay ko, umalis na ako sa bahay ni Zaim dahil sa sobrang galit ko sa kanya noon and I bought a house here in Thunycea.
 
Napakunot naman ang noo ko ng makitang bukas na ang ilaw, naka-uwi na ba si Kuya Spade?
 
Si Kuya Scorpio kasi, sabi niya may pupuntahan pa daw siya kaya nauna na akong umuwi.
 
Binuksan ko naman ang pinto.
 
"Kuya Spade? Nandito na ako." I announced, wala namang sumagot.
 
Kadalasan kapag ganito its either sinasalubong niya ako nga 'Welcome home Addie baby' o di kaya 'Oh you're here baby sis'.
 
Pero ngayon wala.
 
Napansin ko naman ang isang rose na nasa lapag, pinulot ko naman iyon at binasa ang sticky note.
 
Can we go back to the days our love was strong??
 
That was a lyrics from a song entitled On Bended Kness by Boyz II Men. Seriously? anong meron?? bakit may pa-rose?
 
Lumakad naman ako papunta sa living room at may rose naman ulit duon na naka-patong sa coffee table, kinuha ko naman iyon at binasa ulit ang sticky note na nakadikit sa tangkay nuon.
 
Without you girl, my life is incomplete.
 
And that was from the song Incomplete by Sisqo.
 
Okay? Nawe-weirduhan na talaga ko. Umakyat naman ako sa kwarto ko at duon, naka-kita ako ng isa pang rose sa ibabaw ng kama ko, kinuha ko naman iyon at tinignan ang sticky note.
 
Call this number.
 
xxxxxxxxxxxxx
xxxxxxxxxxxxx
 
Tinawagan ko naman ang unang number at nakarinig naman ako ng piano sa kabilang linya.
 
"I just called, to say...I love you" Then biglang naputol ang tawag, I dialed the other number at itinapat iyon sa tenga ko.
 
"I take one step away and I find myself coming back to you my one and only one and only you." I gasped at saka tumingin sa likod ko.

Nasa labas siya ng kwarto ko habang hawak ang phone na nasa tenga niya at nakatingin siya sa akin.
 
"Zaim..." I said habang nakatingin sa kanya, he gave me a smile at saka tumango.
 
"Yes, I'm here now.." He answered.
 
 
 
 
Xxxxxxxxxxxxxxxxx

PS: Sa mga di pa nakaka-basa ng book ni Cameron, Thunycea is just a fiction country. Baka malito kayo kaya pinapaalala ko lang hihe :>>

His Series #7: Zaim FalconTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon