[ Do not forget to vote and follow ]
Jimin 's
(Past)Pagka-alis ni Taehyung ay dumiretso na ako sa kwarto. Parehas kasi kaming kasali ni Taehyung sa Math quizzbee kaya sabay kaming nagre-review.
Naabutan ko si Yoongi-hyung na nakahiga sa gitna ng kama ko, nakadipa ang kamay at paa niya na para bang ayaw niya akong pahigain sa tabi niya. Nakatitig lang siya sa ceiling na parang nagbibilang kung ilan ang alikabok doon. Pero walang alikabok doon dahil araw araw kong nililinis ang kwarto ko.
"Excuse me," sabi ko bago siya itulak sa kabilang gilid ng kama. Hindi naman siya nagreklamo at nagpadala lang sa pagtulak ko.
Kumuha ako ng mga sample questions sa bag ko at nag-focus doon. Mayroon pa naman akong two weeks para maghanda, pero eto yung gusto ko e. Ang i-stress ang sarili ko sa pag-iisip na hindi ko kaya kahit kabisado ko na ang buong libro.
After some minutes, may biglang humugot sa papel na hawak ko at nilukot-lukot iyon bago ibinalibag sa trash can na nasa gilid ng study table sa kabilang banda ng kwarto.
"Yah! Hyung!" Sigaw ko ng marealize ang ginawa niya.
"Three points for Yoongi!" Nang-iinis na sabi niya bago bumalik sa pagkakahiga na parang wala siyang ginawang kasalanan.
Napairap na lang ako at kumuha ng panibagong sample questions pero ganun din ang ginawa niya.
"Three points for Min Yoongi!" Sabi niya ulit bago painosenteng ngumiti sa akin.
"Nakakainis ka na!" Sighal ko sa kaniya.
"Magpahinga ka naman, tatlong gabi ka ng hindi natutulog kakaaral. Psh, kesa manalo ka baka mamatay ka pa sa ginagawa mo." Bored na sabi niya bago ako tinalikuran at nagtakip ng blanket sa buong katawan.
I tried hard to fight the smile forming on my lips. Baka bigla siyang tumingin ulit at makita niya, nakakahiya. Aasarin niya lang ako hanggang hindi niya nakakalimutan, psh.
Napailing na lang ako at humiga sa tabi niya. He's right, I need to sleep.
***
Sorry for grammatical and spelling errors, I am too lazy to edit!
Thank you! Godbless!
Whatever problem you are facing right now, I know you can get through them!
Fighting!
- ItsKimMiAh -
BINABASA MO ANG
REVENGE || Yoonmin AU ||
Fanfiction"Para akong naghahanap ng bagay na matagal ko na palang pag-aari." -Jimin For fifteen years, I'm looking for you, I'm longing for you... I travel the world hoping to see you, But you're out of sight. Then one day, a friend told me.. That you're wit...