[Do not forget to vote and follow]
Jimin 's
(Past)"Jungkook, nakikinig ka pa ba?!"
Tinitigan ko siyang mabuti, nakatulala lang siya sa kawalan habang panay ang tingin sa wrist watch.
I sighed, isinara ko ang math book niya. Second examination na next week at ito pa lang ang ika-limang beses na tuturuan ko siya sa math.
Sobrang depress ko ng malaman na never pa siyang nakakuha ng score na 1 sa math test nila. As in seriously? Hindi man lang siya nakahula ng kahit isang tama? Tsk!
"Tapos na Hyung? Pwede na ba akong umalis?" Nakangiting sabi niya sa akin bago tumingin ulit sa wrist watch niya.
Mag-dadalawang buwan na akong nakatira dito. Pero hindi ko siya maturuan dahil palaging nanggugulo ang maputlang aroganteng lalaking nagngangalang Min Yoongi.
Wala naman akong magawa dahil tinatakot ako lagi na ipa-aalis ang scholarship ko. Tinanggap ko na rin ang katotohanang eto talaga ang buhay na ibinigay sa akin ni God.
"Saan ka ba pupunta? Late na, may pasok pa bukas." Sabi ko habang nililigpit lahat ng librong nakakalat sa table.
"Uhm, jan lang." Jungkook.
Tinignan ko siya, he avoided my gaze. A sign that Yoongi is probably calling for him again.
"Sasama ako." Firm na sabi ko.
Tumayo ako at kumuha ng jacket sa room ko, paglabas ko ay kinakabahang nakangiti siya sa akin.
Dahil wala siyang magawa, napilitan siyang isama ako sa isang abandonadong building. Maraming kotse at astiging motor sa maluwang na bakuran, amoy usok ng sigarilyo ang buong paligid.
Naglagay ako ng face mask, mabuti na lamang pala at nagdala ako pati na ng inhaler.
"May asthma ka Hyung?" He worriedly ask,
"Yeah, pero okay lang. Ano bang ginagawa natin dito? Hindi ba delikado dito?" Tanong ko pabalik, pilit na kinakalimutan ang pagsikip ng dibdib ko.
Pagpasok namin sa loob ay halos mabingi ako sa lakas ng tunog ng speaker. Idagdag mo pa ang maraming taong nakakalat sa gitna ng maluwang na espasyo. Habang mayroong isang stage sa pinakagitna ng mga tao at may tatlong taong nagra-rap doon.
"Dito tayo Hyung!" Sigaw ni Jungkook.
Sinundan ko lang siya. Umakyat kami sa halos magigiba nang hagdanan hanggang sa ikatlong palapag. Kakaunti lamang ang tao dito kumpara sa baba at sa ikalawang palapag.
"Nasaan ba tayo?" Pasigaw kong tanong kay Jungkook. Kahit papaano ay malakas pa rin ang sound system.
"Dito isinasagawa ang underground rap battle. Nandito ka sa teritoryo ko."
I felt goosebumps all over my body as a voice echoed behind my ears. I recieved a mocking laugh, before seeing Yoongi walking to sit on an empty chair infront of me, crossing his legs.
"Lahat naman teritoryo mo." Pabulong na sabi ko na mukhang narinig naman niya dahil nag-middle finger siya sa akin. Hindi din ako nagpatalo at nag make-face ako sabay nag-middle finger din sa kaniya. Hanggang sa siya na ang unang umiwas ng tingin.
"You're just about time, Kook. Kararating lang din ni Namjoon." Seryosong sabi niya bigla.
He pulled out a cigarette and a lighter, just to get snatched by Jungkook.
"Hyung, may asthma si Jimin, wag kang mag-ganito." Paliwanag ni Jungkook ng makatanggap siya ng isang nakamamatay na tingin mula kay Yoongi.
He just rolled his eyes at me.
"Uh.. You mean Kim Namjoon?" Tanong ko ng maka-recover sa kasungitan niya.
"Yes, your bestfriend's brother's fling. And your old workmate, Jung Hoseok." Walang ganang paliwanag sa akin ni Yoongi.
He signed a man to go near us and command him to bring two more chairs for me and Jungkook. He is not that heartless, sometimes.
"Ka-team natin sila Hyung?" Excited na tanong ni Jungkook.
"Yeah, alam ko kung sino ang nararapat sa team natin, syempre. I'll be the King of underground rappers." He confidently answered.
Ngayon ko lang nalaman na may ganito palang mga bagay, at hindi ko inaakalang makakakilala ako ng mga taong katulad nila.
Wala pang isang oras ay nakikita ko na ang tatlong lalaki sa stage. Yoongi, Namjoon and Hoseok.
Sa left side ng stage ay naka-upo si Jungkook. Ayon sa nalaman ko kanina, beat boxing siya naka-assign.
Matiyaga kong hinintay ang pagsisimula ng performance nila, ang sabi nila ay ira-rap daw nila ang Cyphet pt.2 ng BTS, and I can't wait to hear them.
***
Sorry for grammatical and spelling errors, I am too lazy to edit!
Thank you! Godbless!
Whatever problem you are facing right now, I know you can get through them!
Fighting!- ItsKimMiAh -
BINABASA MO ANG
REVENGE || Yoonmin AU ||
Fanfiction"Para akong naghahanap ng bagay na matagal ko na palang pag-aari." -Jimin For fifteen years, I'm looking for you, I'm longing for you... I travel the world hoping to see you, But you're out of sight. Then one day, a friend told me.. That you're wit...