5⃣

263 10 0
                                    

[Do not forget to vote and follow]

Jungkook 's
(Past)

"Hyung, may teacher kamiii~" bulong ko sa mouthpiece ng cellphone ko. Sobrang tagong-tago ako sa likod ng kaklase kong mataba para lang hindi ako makita ng teacher namin. Kahit naman mayaman ako, hindi ko kayang bayad-bayaran at takutin ang mga teachers.

"Wala akong pakialam, nandito ako sa canteen niyo. Pag hindi ka nagpunta dito, ako mismo susundo sayo jan." Pagbabanta niya.

Napakamot na lang ako sa pisngi ko. Huling beses na ginawa niya yun ay noong Grade 10 student ako. Muntik na akong hindi maka-graduate ng Junior High dahil sa pag-eeskandalo niya sa room namin.

"Oo na, Hyung. Teka, gagawan ko lang ng paraan para makalabas ako." Sabi ko habang sinisilip ang teacher namin.

Pinatayan niya ako. Pasimpleng binulsa ko ang cellphone ko at uminom ng tubig. Tinignan ko muna ang wall clock na nasa harapan, fifteen minutes na lang naman at mag-recess na. Bakit kasi hindi na lang hintayin ni Hyung?

"Mr. Jeon? Is there a problem? Bakit namumutla ka?"

"Na...Sir, may I go out?" Medyo nauutal na tanong ko.

Narinig kong nagtawanan ang iba kong kaklase, alam kong iba ang iniisip nila.

"Natatae na daw siya, Sir." Sabi ng pinakapanget kong kaklase.

"Alright, Mr. Jeon, you can go now." Nakangiting tumango sa akin ang teacher ko. Pagtalikod niya ay nagmake-face na lang ako sa mga kaklase ko bago sinukbit ang bag ko at tumakbo palabas ng classroom.

Bobong mga tao, maputi lang talaga ako at hindi maputla. Para binura ko lang yung liptint ko maputla na agad? Tch. Atleast gwapo pa rin.

Pagdating ko sa canteen ay nakita ko kaagad si Hyung na may kasamang iba.

"Ow," sabi ko ng makita kung sino ang kasama niya sa table.

Siya yung lalaking nag-thank you sa akin nung isang araw, yung lalaki sa cafe.

"Makiki-share ako ah?" Paalam ko sa lalaking nakaupo sa table malapit kila Hyung. Ito na kasi ang pwestong malapit lapit para marinig ko ang usapan nila.

"Thank you lang? Kulang 30 thousand kaya yung binigay ko sa babae."
Hyung.

"Uhm, 47 thousand yun, to be exact. S-saka hindi naman a-ako humingi ng tulong a?"
Lalaki.

"Tsk, nagte-thank you ka ba talaga o ano?"
Hyung.

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa usapan nila. Wow, for the first time, hindi pinag-initan ni Hyung ang mga school mates ko.

"Masama ang makinig sa usapan ng iba, kiddo."

"Uh?" Painosenteng tanong ko sa lalaking naka-upo.

"Kiddo, masama ang makinig sa usapan ng iba." Pag-uulit niya sa sinabi niya.

"Excuse me? Don't call me kiddo. Saka hindi ako nakikinig. Iba ang naririnig sa nakikinig. Wag ka nga!" Depensa ko.

"Hindi ko nga kilala yung kausap ni Yoongi-hyung e." Dagdag ko pa.

"Duh, edi nakikinig ka nga." Nang-iinis na sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko naman siya kilala nangangausap siya? Psh.

Pinagpatuloy ko na lang ang pakikinig sa usapan nila Hyung.

"Umalis ka na bago pa ako mainis sayo, okay?"

"Uh.. S-sorry."

"Tss."

Tumayo na din ako ng tumayo yung kausap ni Hyung. Basically, nagpalit kami ng pwesto. Umupo ako sa kinauupuan niya kanina at dun naman siya sa kinauupuan ko kanina.

"Hyung, ano na naman?"
Tanong ko sa kaniya. Hindi niya man lang ako tinignan at nagpatuloy siya sa pagmu-murder ng pagkaing binili niya.

"Kilala mo ba yon?"

"Sino, Hyung?"

"Yung lalaki sa cafe, yung kausap ko kanina. Kilala mo ba?"
Tanong niya na tila nauubusan na ng pasensiya.

"Hindi ko sure, Hyung. Pero base sa nakikita ko, Grade 12 na sila."
Sabi ko habang tinitignan ang dalawa sa kabilang table.

"Grade 12, hmm.."

Pinagmasdan kong mabuti ang itsura ni Hyung. Ano na naman binabalak nito? As far as I know, straight si Hyung. Hindi naman niya siguro crush yung lalaki, diba?

"Ay Hyung, bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"
Tanong ko ng maalalang tumakas nga pala ako sa klase at napagkamalan pang natatae, tsk.

"Wala, makakaalis ka na."
Walang kagana-ganang sabi niya bago tumayo at lumabas ng canteen. Sakto naman na narinig ko ang bell na tanda ng recess time.

***
Sorry for grammatical and spelling errors. I'm too lazy to edit😂
Thank you! Godbless!

Whatever problem you are facing right now, I know you can get through them!
F

ighting!

- ItsKimMiAh -

REVENGE || Yoonmin AU ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon