The Characters

4.6K 44 6
                                    

New Olympus for Gifted Academy ang academy para sa pinaka magagaling na estudyante sa buong Pilipinas; sa kabuuan, meron lamang itong piling-piling 200 students. Lahat ng mag-aaral ay may sari-sariling kakayahan at talentong angat sa iba. Ang pinaka magandang batayan ng reputasyon ng eskuwelahang ito ay ang top 10 Olympians.

 

The 10 Olympians

Sila ang mga pinaka-mahuhusay at talaga namang "gifted" na estudyante ng Olympus. May sariling dormitory and academy na para sa kanilang sampu lamang. Sumasama lamang sila sa ibang estudyante kung tuwing may school tests at special events, at Biyernes para mag coach ng specialty nila kapalit ng mga guro.

 

10.) The Computer Master: Keith Laurent Cruz (16) - sa edad na 7, nakagawa siya ng sarili nyang computer game na inspired by GTA. Anak ng CEO ng GM (Game Masters) Corporation.


9.)The Ultimate Athlete: Jaymes Kris Lopez (17) - at the age of 3 nahiligan ang sports. Natutong mag basketball, soccer at baseball. Unang sabak niya sa girl's basketball team sa edad na 6 na taon kasama ng mga 5th graders. Ngayong Teenager, nag excel sya sa lahat at familiar siya sa halos lahat ng popular na sports. Anak ng isang sikat na coach sa Philippine Team na lumalaban sa Olympics.


8.) The Mr. Miyagi: Zachariah Stanley (16) - sa edad na 6 years old, pumasok siya sa isang Taekwondo Academy na pagmamay-ari ng kanyang pamilya at nag achieve ang Danbo belt in less than a year. Sinabayan pa nito ang Aikido, Judo, Hapkido at ngayon nag ma-master siya ng Kungfu. Kaya madalas siyang nag-pupunta sa Shanghai, China para mag train.


7.) The Math Wiz: Julian Reed (17) - sa edad na 6 years old, Kabisado na niya ng 800 numbers ng Pi. Pag dating sa numero at equation, walang kuwestiyon ang giftedness niya at ng kakambal niyang si Luna.


6.) The Science Wiz: Luna Reed (17) - at the age of 5 kabisado na niya ang Periodic Table pati narin ang lahat ng hayop sa animal kingdom. At the age of 7, dumagdag pa ang scientific names. Galing sila sa clan ng mga pinaka-mayayaman sa Alta sa Ciudad. Halos lahat ng mga pinsan nila ay naging cover ng magazines at endorser ng mga beauty products sa angking kagandahan.


5.) The Linguist: Jose Mckinley (16) - ng matuto siyang magsalita at the age of 2, ang unang salitang lumabas sa kanyang bibig ay, "Bom dia!". Scottish ang father niya at Filipina naman ang mother niya. Bata palang ay hilig na nitong manood sa cable ng mga foreign programs ng Chinese, Japanese, Korean, Indian, Arab, Russian etc... kaya naman lumaki siyang marunong magsalita ng foreig language. Ang kanyang mga magulang ay may-ari ng isang historical library sa Scottland.


4.) The Historian: Werner Antonio (16) - isang History teacher ang kanyang ina dito sa Olympus for Gifted at matatawag na top 8 historian siya around the world. Kaya naman bata pa lang si Werner ay nahilig na itong magbasa ng history books. At the age of 8, kaya nyang ikwento ng sunod sunod na pangyayari simula sa Qin Dynasty to Qing Dynasty ng China.


3.) The Modern Da Vinci: Vincent Van Harvey (16) - ipinangalan siya ng kanyang ina sa isang magaling na pintor na si Vincent Van Gogh. Ang kanyang pamilya ay sikat sa France sa larangan ng painting at Sculptures. Meron din silang Art Museum sa Pilipinas. At the age of 4 na-kopya niya ang Last Supper ni Leonardo Da Vinci.


2.) Young Maestro: Beethoven Greene (17)- ipinangalan siya kay Beethoven, (obvious naman di ba?) Ang kanyang pamilya ay sikat sa larangan ng musika. Si Hoven ay magaling mag Cello, Piano, Flute atbp. Sa edad na 5, inimbitahan lang naman siya ni Queen Elizabeth para tumugtog ng piano sa kanyang birthday.


1.) The Gifted: Chronus Dickens (17)- Siya ang leader ng Top 10 Olympians sa kadahilanang may abilidad siyang matutunan ang mga bagay sa loob lamang ng ilang oras. A guy with a photographic memory. Magaling sa Sports at Academics, kahit na sa Arts. Noon pa lamang isinasabak na siya sa mga quiz bee, sports, music and arts, lagi siyang champion. Hindi pa siya natatalo. Hindi kayamanan ang pamilya nila noon, ngunit sa angking galing niya, naka-ipon ang pamilya at ngayo'y isa na rin sa mga tinitingalang inspirasyon ng madami. May kapatid siya sa kanyang ama na ngayo'y kinakasama ang bagong asawa 4 years after mamatay ng kanyang biolagical mother.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PUMUNTA NAMAN TAYO SA MGA SUSUNOD IMPORTANTENG CHARACTERS


Caroline Dizon (Angel's Voice) (16) - ang dalagang may napaka gandang tinig at pinapangarap na maka-pasok sa Olympus sa kadahilanang magbibigay ito sa kanya ng pintuan papasok ng Broadway Musical sa London. Idolo niya si Leah Salong and Idina Menzel. Dahil sa lakas ng loob at positibong pananaw sa buhay, nag-lakas loob siyang mag audition para sa scholarship ng Olympus.


Becky Marie Andres (16) - ang best friend ni Caroline na isang dancer and singer din. Mag- kaklase sila halos sa lahat ng subjects. Ang kanyang ina ay isang napaka galing na ballerina na ngayo'y isang dance coach and part-owner ng New Olympus. May mga small ballet studios sila around Metro Manila at may- ari din sila ng isang music theater sa France.


Elena Letran (17) - ang apo nang pangunahing may-ari nang New Olympus na si Don Gustavo; isang sikat na Philosopher sa bansa. Siya ang ex- girlfriend ni Chronus. At hanggang ngayon, ay pag-tingin parin sa binata. Siya ang leader ng grupong 3 Olympic Beauties. Dalubhasa siya pag- pinta at musika. Siya rin ang bali-balitang, papalit sa posisyon ni Beethoven bilang Music Wiz sa susunod na taon. Nag momodelo din siya sa international at local magazines kasama ng kanyang mga kaibigan. Pagka-tapos ng first year high school sa Olympus ay lumipad pa-abroad ang dalaga sa hindi alam na dahilan. Madaming nagsasabi na para siyang anghel na bumaba sa lupa dahil sa angking kagandahan at galing sa pag-tugtog ng harp.

Meeting Mr. GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon