Usap- usapan sa eskuwelahan ang nangyaring insidente sa classroom ng nakaraang araw. Hindi makalakad si Caroline sa loob ng campus ng diretso ang mukha dahil sa kahihiyan. Minsan pa, mag-kasama sila ni Becky sa cafeteria ng biglang...
"The heck! If I know, that bitch just really did it on purpose. Kawawang Chronus, tinuka ng ahas." sabi ng isang babaeng hindi katangkaran.
"I know right. Si Chronus, para halikan siya ng basta basta lang... siguradong nilagnat yon dahil sa lason ng venom ng babaeng yan." biglang irap ng babae kay Caroline.
Kino-comfort ni Becky ang kaibigan...
" Okay lang yan sis, we know the truth and that's the important thing. Hayaan mo silang lahat... inggit lang sila." Becky habang hinahagod ang likod ni Caroline.
"Sis, nang pumasok ako dito, pangarap ko talagang mapansin ng tao... gusto ko talagang sumikat. Pero hindi naman sa ganitong paraan. Negative publicity toh sis oh! " reklamo ni Caroline.
"Ayaw mo ba non? It's a start! Any publicity is good publicity!" biro ni Becky.
"Tse! Bruha ka! Di ko alam kung talagang kaibigan kita, o pinagtitripan mo ko! Ang nakaka-inis pati... kitang kita naman nila kung ano yung tunay na nangyari. At kita din naman na ako ang biktima. Pero in the end... ako pa yung kontrabida???" Caroline.
"Ganon talaga. Si Chronus kasi, alam nila na suplado yan sa babae. Pero sa dami ng babae dito sa Olympus, pangalawa ka palang sa napansin niya!"
Sa hindi kalayuang table...
"Yes, I heard she's coming back here to school tomorrow."
"Talaga? Tanungin kaya natin sina Venice and Stacey? Di ba yun yung mga bestfriends niya?" Nag-uusap ang dalawang babae sa hindi kalayuang table. Mga sophomores.
"OMG..." nanlalaking mata at bibig ni Becky.
"Why? What's happened?" Caroline.
"Elena happened." off tone na sagot ni Becky.
"Elena? Sino yun?"
"Si Elena Letran. Ang apo ng may-ari ng academy na ito."
"Ha? Yung magandang international model? Akala ko sa Paris siya mag-stay for a year." Caroline.
"Oo nga! Pero usapan ng mga babae dun sa kabilang table, uuwi daw siya. Ano kaya ang problema?" Pagtatakang sabi ni Becky na naka-pangalumbaba pa.
...
..
.
"Shit!!! Alam mo bang, siya ang ex-girlfriend ni Chronus? Siya ang first na nag-may ari kay Chronus."
BINABASA MO ANG
Meeting Mr. Gifted
Novela JuvenilSabi nila, opportunity knocks once. So, when it comes knocking on your door... grab it. Pero paano kung eto ang opportunity na pinaka-hihintay mo, pero ang dami namang distractions. Kaya mo kayang mag-focus? Kaya mo kayang pigilan ang gulo sa isip m...