Chapter 2: Welcome to the New Olympus!

1.8K 28 4
                                    

Bakit nga ba tinawag ang academy na ito ng New Olympus for Gifted Academy? Paano ba naman? Lahat ng estudyante dito ay mga above average ang IQ at kailangang may tunay na talentong taglay. At hindi basta talento, dapat... pang global ang dating. Ang mga mayayamang magulang na suwerteng may mga anak na gifted ay pinili ang eskuwelahan na ito para sa maayos na pag gabay sa kanilang talento; kasabay na rin ng tamang pag gabay sa akademikong pag-aaral. Tinutulungan ng New Olympus ang mag-aaral para mabalanse ang kakayahang pisikal at emosyonal ng isang gifted child. 

Para itong isang maliit na modernong palasyo. May malaking field pag pasok ng napaka taas na gate. Naka-tayo ito sa isang maliit na burol na pag-mamay ari ng Pamilya Letran. Itinayo ito noong taong 2000 kasabay ng pag-salubong sa bagong milenyo. Isa ito sa mga pinapangarap ng bawat estudyanteng mapasok pag graduate ng grade school. Ngunit sa kasamaang palad eksaktong 200 mag-aaral ang kayang tanggapin ng eskwelahang ito, kaya naman mataas talaga ang kalidad nito. Sa ginaganap na regional exams kada-taon, sila lang naman ang may 100% perfect scores. 

2001 na pag-desisyunan nang board members ng New Olypmpus na mag lagay ng 10 gifted students na maaring mag represent ng school hindi lamang sa Pilipinas kundi globally. Dito nabuo ang 10 Olympians. Nakuha nila ang ideyang ito sa Greek Mythology. Mayroong 12 Olympians, sila ang mga anak ng mga Diyos at Diyosa sa mga tao. Sila din ang pinaka-malalakas na estudyante ng Mount Olympus, ayon sa mythology.  


Sa tuwing may graduating students galing sa sampung Olympians. Ang senior na mag-tatapos ay pipili nang ipapalit sa kanya galing sa kahit anong lebel. 

Makikita natin ang bias at pag-hahati ng mga estudyante dito. Ang Olympians ay may sariling dormitoryo sa parteng likuran ng eskuwelahan. Kumpleto sa equipment, may sari-sarili din silang kuwarto na pwede nilang gawing sariling studio para sa pag e-ensayo. 


Para sa mga regular na estudyante meron dalawang dormitoryo para sa mga lalaki at babae with aircon. Hiwalay ang 3 scholars; kasama ng mga stay-in staffs.


Bawat classroom ay may sariling projector. Masyadong malaki ang mga classrooms para sa 15 estudyante kada leksyon. Hindi pa kasama sa nabanggit ang club rooms tulad ng, dance studio, music studio, gym, computer laboratory,  art room na nasa pinaka mataas na floor kung saan over-looking, atbp.

***

**

*


OCTOBER


Hawak ang mapa ng school. Nilibot ni Caroline ang academy at hindi parin maka-paniwala.


"Ilang katulad ko ang nangangarap na mapunta sa kinalalagyan ko... pero isa ako sa mga mapapalad na nabigyan ng pag-kakataon." Bulong sa sarili.


Umupo sya sa isang bench sa garden ng school. Nag aabang sa pagsisimula ng orientation. Habang pinagmamasdan ang ibang estudyanteng dumadaan...


"Hello, I'm Becky. You are?"


"Uh... Caroline. Nice to meet you!" Nag-shake hands ang dalawang dalaga at nag-simulang mag kwentuhan.


"Freshman?" Becky.


"Oo... ikaw din ba?" Caroline.

Meeting Mr. GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon